Chapter 18

3.5K 33 1
                                        

Chapter 18: Wife's Benefits ~

Naglalakad ako pauwi , pero habang naglalakad ako, hindi ko alam kung saan ang direksyon ko. Para akong wala sa sarili. Habang naglalakad ako, bigla akong napatigil. Napatigil ako nang maramdaman ko na ibang direksyon pala ang nilalakaran ko at hindi ito papunta sa condo ni Dale. But as I looked around, the place was familiar. And there I saw our old house, ang bahay namin ni Micah. Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko. Pero tinitigan ko ang bahay namin mula sa labas, nagbabakasakali ako na naroon si Micah. Gusto ko siyang makita. Kung alam niya lang kung gaano ako nangungulila sa kanya. Ngunit sa paghihintay ko, walang Micah ang lumabas. Dahil doon, nagpasya na akong umalis. Nalulungkot akong isipin na 'hindi na ba ako babawiin ni Micah?'

Nagpunta ako sa office ni Dale, napagdesisyunan ko na pumasok na dahil matagal na rin akong nakaleave. It's about time na bumalik na ako sa trabaho ko. At nang makarating ako sa opisina, sinalubong ako ni Leah nang nakangiti.

"Xenia??!!!! Akala namin hind ka na papasok", biro ni Leah.

"Pwede ba naman 'yon? Nagleave lang ako 'no", nakangiti kong sagot.

"Oh, kamusta ka na tsaka 'yung mag-ama mo? Nakamove on na ba sila sa nangyari?"

"Oo, kahit papaano nakakalimutan na nila 'yung nangyari. Si Allison ngumingiti na rin".

"Mabuti naman. Sana magtuluy-tuloy na 'yan".

Ngumiti lang ako. "Oo nga pala, nandyan ba si Sir Dale?"

"Oo, nasa opisina niya".

Ngumiti lang ulit ako at iniwan ko na si Leah. Pumasok ako sa opisina ni Dale at doon ay naabutan ko siya na nakaupo sa upuan niya at may kausap sa telepono niya.

"Dale...", sambit ko.

Napatingin siya sa akin. "Uhm, sige I'll call you later".

Binaba na niya ang phone at sabay ngumiti sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.

"Kamusta? Naayos mo na ba ang annulment niyo ni Micah?", tanong niya.

"Oo", sagot ko at ipinakita sa kanya ang papel na nagpapatunay na annul na ang kasal namin ni Micah.

Labis ang pagkatuwa niya nang makita ang papel. Napatayo siya at halatang hindi makapaniwala sa nabasa niya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Totoo ba ito, Xenia? So, pwede na tayong ikasal?", nakangiting tanong niya.

Hindi ako sumagot at ngumiti lang ako. Muli ay niyakap niya ako ng mahigpit at napasigaw sa sobrang tuwa. Ako naman ay natuwa na rin sa naging reaksyon niya.

"Xenia, sobrang napasaya mo ako ngayon. I can't wait to marry you!"

I don't think marrying me is a good idea. Kung alam niya lang. Hinalikan niya ako sa mga labi ko. Mga halik na may saya at puno ng pagmamahal niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at gumanti sa mga halik. Habang hinahalikan niya ako, napapaatras ako at siya naman ay napapaabante. Napasandal tuloy ako sa table niya, kaya umupo na lang ako dito.

"Dale...", I gasped nang humiwalay ang mga labi ko sa kanya.

"What?", he asked.

"... I have some work to do".

"Work! No, Xenia, you don't need to work anymore. Let them handle what you've left".

"Pero Dale, paano..."

"Xenia, hindi mo na kailangang magtrabaho. Money will work for you".

Para akong nakaramdam ng saya sa puso ko. Ito na ba ang katuparan ng mga pangarap ko? Ang pera na mismo ang lalapit sa akin? Nagdidiwang ang puso ko sa sinabi ni Dale. Ang saya ko lang.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon