Chapter 24: Wife's Benefits ~
Lumabas ako ng kwarto at dali-daling bumaba. This time, sisiguraduhin kong mapapansin na nila ako. Sisiguraduhin ko na ang lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa akin. Kung inaakala ni Margarette na mapaghihiwalay niya kami ni Dale, pwes, nagkakamali siya. Hindi ako susuko at hindi ako magpapadala sa sitwasyon. Hindi na ako magmumukmok at magtatago sa kwarto , dahil sa mas lalong ginagawa ko 'yon, mas binibigyan ko lang ng pagkakataon si Hanna na agawin si Dale sa akin at hahayaan na magtagumpay si Margarette sa mga ninanais niya.
Sa paglabas ko, nakita ko na maraming tao sa bakuran ng bahay nila Margarette. May munting pagsasalo sila kasama ang mga amiga ni Margarette.
"Mommy!", sigaw ni Allison. Nakangiti siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako. "Mommy, do you feel better now?"
Lumebel ako sa laki ni Allison at ngumiti. "Yes, Sweetheart. I feel much better now. "
"I'm glad you're okay now. I missed you so much, Mommy", niyakap niya akong muli nang mas mahigpit pa.
Napangiti lang ako at gumanti sa mga yakap niya. Habang kayakap ko si Allison, nakita ko sila Dale at si Hanna na magkasama. Nakadikit na naman si Hanna kay Dale at kinainisan ko iyon. Hindi ko talaga gusto na nakikita si Hanna na dumidikit kay Dale na parang higad. Kung sa umpisa hinahayaan ko lang siya na landiin si Dale, pero ngayon hindi na ako papayag. Ipagdadamot ko na ang nararapat na sa akin.
"Sweetheart, sandali lang, ha? Pupuntahan ko lang si Tito Dale", sabi ko nang makakalas ako sa yakapan namin ni Allison.
"Yes, Mommy", she nodded.
Naglakad na ako palapit sa kinaroroonan nila Dale at Hanna. Malakas ang loob ko na lumapit sa kanila. Nakatalikod si Dale at tumatawa si Hanna nang makalapit ako sa kanila. Hinawakan ko si Dale sa braso niya. Napatigil sa pagtawa si Hanna at napatingin siya sa akin. Hindi niya siguro mawari kung sino ako. Ipinihit ko paharap sa akin si Dale at walang paalam ko siyang hinalikan sa mga labi niya. Hinalikan ko siya ng mataimtim. Nakita ko ang naging reaksyon ni Dale nang idilat ko ang mga mata ko. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na gagawin ko iyon sa harap ng maraming tao, pero bandang huli ay napangiti din siya. Nang maghiwalay na ang mga labi namin, I smiled fiercely. Lahat sila nakatingin sa amin, pati si Hanna nakatingin lang din. Nanlalaki ang mga mata niya, pati siya ay hindi rin makapaniwala sa ginawa ko. Edi ngayon ay napansin na nila ako, ewan ko na lang kung hindi pa rin nila ramdam ang presensya ko.
"Bakit lumabas ka na? Magaling ka na ba?", tanong sa akin ni Dale.
"Magaling na ako. Hindi mo na kailangan mag-aalala. Nabuhayan na ako ng dugo", nakangiti kong sagot habang nakataas ang isa kong kilay.
"Hoy, ano bang ginagawa mo? Nakakahiya ka! Sino ka ba?", biglang sumabat sa aming dalawa ang higad na si Hanna.
Humarap ako sa kanya at tumitig ng seryoso. "Bakit? May mali ba sa ginawa ko? At sino ako? Ako lang naman ang asawa ni Dale. At ipinagdadamot ko lang naman ang pag-aari ko. At sa tingin mo ba 'yung ginagawa mo hindi nakakahiya? Para kang higad na kapit ng kapit sa asawa ko"
"Asawa mo? Kailan mo pa naging asawa si Dale? Wala kang karapatang ipagdamot siya dahil hindi mo pa siya pag-aari".
"Hindi pa nga sa ngayon, pero darating ang araw at magiging akin si Dale nang buong-buo", ipinakita ko ang singsing na suot-suot ko na binigay sa akin ni Dale noon. "Para kang aso na habol ng habol kay Dale!"

BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
General FictionA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...