Chapter 43: Wife's Benefits ~
Since that incidents, parang may nagbago na sa loob ng aming bahay. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-iisip ng ganoon o sinasadya talagang mangyari iyon.
Napapansin ko na parang nagiging close na yata ngayon si Micah at si Suzy, na dating hindi naman ganoon. Dati nga hindi gaanong pinapansin ni Micah si Suzy. Papansinin niya lang ito kapag nag-alok siya rito, halimbawa na lang ay kapag kakain na. Pero ngayon parang ibang-iba na. Parang palaging magkausap silang dalawa. At kapag nag-uusap silang dalawa, parang ang saya-saya nila, para bang silang dalawa lang iyong nagkakaintindihan.
Patay malisya na lang ako kapag ganoon ang nakikita ko sa kanilang dalawa. Ayoko kasing pagmulan ng away namin ni Micah ang pagiging masyadong close niya kay Suzy, baka kasi isipin nila na nagseselos ako at binibigyan ko ng malisya ang pagiging magkaibigan nilang dalawa.
One cold night, hindi ako makatulog. Nagpagulong-gulong na ako lahat-lahat sa higaan, pero hindi ako madalaw-dalaw ng antok. I even rolled to face Micah, I know he wasn't completely sleeping.
"Micah, are you still awake?", bulong ko sa tenga niya.
"I'm half asleep. Bakit?", naalimpungatang sagot niya.
"I can't sleep. Can you do me?", naisip ko na magparaos na lang muna at baka sakaling kapag natapos na at napagod na ako ay makatulog na rin ako.
But Micah wasn't answering, so I get nearer to him.
"Please?", I whispered and kissed him on the cheek to wake him up.
Hinawi niya ako at pumirmi ng pagkakahiga.
"Not now, Xenia. Pagod na ako", saad niya na parang antok na antok na ang boses.
Balik na naman ba tayo sa dati, Micah?, naisip ko.
Umayos na lang din ako sa pagkakahiga. And because Micah doesn't wanna do me, I better sleeping on my own kahit nahihirapan akong matulog.
I was half way on my sleeping nang maramdaman kong yumugyog ang higaan. Dumilat ako pero hindi ako gumalaw sa kinahihigaan ko. Naramdaman ko na bumangon si Micah. Bumalik ulit ako sa pagkakapikit, pero nakikiramdam lang ako sa kanya. Tinititigan niya ako, siguro gusto niyang makasiguro na malalim na nga ang tulog ko. Kaya naman nagpanggap akong tulog.
Hindi ako natulog, hinintay ko na makabalik si Micah. Habang hinihintay ko siya, iniisip ko kung bakit kaya siya bumangon? Umihi ba? Ang tagal naman. Ano kayang ginagawa no'n sa ibaba? Nakikiramdam lang ako. Pero ang tagal na ni Micah na nasa ibaba at hindi pa rin umaakyat hanggang ngayon.
After a couple of minute of waiting, bumalik na sa kwarto si Micah. I am aware of the bed dipping, of Micah climbing up beside me. I turned to cling with him.
"Saan ka galing?", tanong ko.
"Sa ibaba lang", sagot niya.
"Bakit ang tagal mo? Ano'ng ginawa mo?"
"Ah. Nagkape lang atsaka nagpahangin na rin."
"Okay", ang nasabi ko na lang.
"Tulog na tayo", yaya niya. His arms were wrapping around my body.
~*~
![](https://img.wattpad.com/cover/15268992-288-k544532.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
Fiksi UmumA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...