Chapter 22

3.4K 43 4
                                        

Chapter 22: Wife's Benefits ~

        Maghapon akong nagkulong lang sa kwarto ni Allison. I did not get any single touch of my feet outside the room. Walang kain-kain, o kung anuman. I didn't want to get outside and didn't want to see anybody. I just wanted to be alone. Hanggang ngayon ay nagdaramdam pa rin ako. Hindi ko akalain na magagawa akong saktan ng ganito ni Dale. Totoo pala ang sinasabi nila na makikilala mo lang ang tunay na ugali ng isang tao kapag nakasama mo na siyang tumira sa iisang bubong.  Sa ginagawa ni Dale mas lalo kong nakikita ang tunay niyang ugali. Mapanakit siya, mama's boy na laging sinusunod at nakikinig sa kung ano'ng sabihin ng nanay niya. I thought he will never put a slap on my face, but I was wrong. Pakiramdam ko punung-puno ng pagsisisi ang kalooban ko. But this was what I had chose at kailangan kong panindigan ang buhay na pinili ko. Siguro magtitiis na lang muna ako hangga't kaya ko pa.

        "Mommy?", I heard Allison knocked on her door.

        "Come in, Sweetheart", I said, while lying on the bed.

        Pumasok siya sa loob na may dala-dalang pagkain. "I brought you some food, Mommy. You haven't eat anything since morning", nag-aalala niyang sabi.

        Gabi na kasi at hindi ko man lang namalayan ang oras.

        "Wala akong gana kumain, Sweetheart", sabi ko at tumalikod na lang sa pagkakahiga.

        "Mom, if you don't eat, you might get sick. I don't want you to get sick. No one will look after you. If you get sick, how about me? Who will take care of me? Mom, please eat", she cried.

        Para na namang tinusok ang puso ko nang sabihin iyon ng anak ko. Tama naman siya, eh. Kapag nagkasakit ako, walang mag-aalaga sa akin at kay Allison. Pakiramdam ko it is me and my daughter against the world na lang. Naawa tuloy ako sa anak ko at pati na rin sa sarili ko. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga. Kinuha ko ang hawak-hawak niyang tray at pinaupo ko siya sa tabi ko.

        "Okay, kakain na ako, but I want you to eat with me", sabi ko.

        "I ate already, Mommy. You're the one who needs to eat all this. You need strength, Mommy", pag-aalala niya.

        Kinain ko na ang dala niyang pagkain, pero hindi ako nag-e-enjoy sa kinakain ko dahil sumasakit pa rin hanggang ngayon ang panga ko. Pakiramdam ko namamaga ang buong mukha ko. Bugbugin ba naman ako ni Dale, eh. Bakit naman kasi sa dinami-rami pa ng parte ng katawan ko na pwede niyang pagbuhatan ng kamay, doon pa sa mukha ko. Nakakainis!

        Pagkatapos kong kumain, lumabas na ako sa kwarto ni Allison at lumipat sa kwarto namin ni Dale. Humiga na lang ulit ako sa kama. Nagmumukmok ako, eh.

        Nang sa tingin ko ay malalim na ang gabi, naramdaman ko na bumukas na ang pinto ng kwarto. Siguradong si Dale na iyon, pero hindi ako humaharap sa kanya. Ayoko siyang pansinin. Galit ako sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin at mga pananakit niya. Yumugyog ang higaan, nakahiga na siya sa tabi ko. Still, I wasn't facing him.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon