Chapter 41

2.5K 36 0
                                    

Chapter 41: Wife's Benefits ~


(See this scene in the last part of Chapter 17)

"Mrs. Gonzales?", my lawyer called me.

"Miss Xenia", I corrected him.

"Ma'am, I'm sorry to say but the case about your annulment to your husband wasn't filed", sabi ng lawyer ko.

"W-What do you mean?"

"Your marriage to your husband is not yet null and void".

"What?!"

"The files you've send me were not legal. Even Mr. Gonzales have signed it, it is void. You are still married to him".

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa mga naririnig ko. Dapat ba akong magsaya kasi hindi pa rin kami tuluyang hiwalay ni Micah? - O dapat akong malungkot dahil hindi mapapasaakin ang lahat hangga't hindi ako makasal kay Dale?

"Filing an annulment is a long process, Mrs. Gonzales. Pinakamabilis na ang three to five years processing at may mga counselling and hearing pa kayong dapat daluhan. And before you file an annulment, dapat isa sa inyo ay walang kakayahang alagaan ang anak ninyo, or isa sa inyo ay may problema sa pag-iisip", explain ng lawyer ko.

Ang tanga ko naman dahil hindi ko alam ang ganitong mga bagay. Bakit hindi sinabi sa akin ni Dale na peke lang ang annulment paper na binigay niya sa akin? Ganoon ba siya kauhaw na angkinin ako ni Dale? Kaya pala siya na ang nagvolunteer na maglakad ng annulment paper, eh. Iyon pala pepekein niya lang.

"I guess Mr. Micah Gonzales knew about this. Honestly, pwede ka niyang kasuhan ng adultery. I guess you know what does it mean, right? You are lucky dahil hinayaan ka na lang niya. Maybe he really loves you that much, that he will set you free just to make you happy".

Para akong nababalisa at wala sa sarili habang naglalakad na mag-isa. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Bakit pinagmukha nila akong tanga? Pinilit ko pang pirmahan ni Micah ang walang kwentang annulment paper na 'yon, peke lang naman pala. Siguro kaya ayaw pirmahan ni Micah iyong annulment paper, kasi alam niyang peke iyon. But why didn't he tell me? - Does Dale knew about this too? Maybe he doesn't know that it was fake. Dale mustn't know about this. I should have to make him believe that the annulment paper was settled.

Nagpunta ako sa Recto para magpagawa ng pekeng document na nagsasabing naaprubahan na ang annulment namin ni Micah. And I let Dale believed that we both are finally free.




~*~


I let Dale believed to a lie. Iyon ang bagay na matagal nang bumabagabag sa isipan ko noong nagsasama pa kami ni Dale. Kaya hindi ako mapanatag noon ay dahil may mali akong nagawa. Pero ngayon, ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang katotohanan na mali ang naging pagsasama namin noon.

Tarantang-taranta akong umalis sa veranda ng bahay at tumakbo papunta sa kwarto namin. Hinalungkat ko ang mga papeles ko at hinanap ang pekeng document ng annulment namin ni Micah. Pinagtataka ko lang ay kung paanong nalaman ni Dale ang bago naming bahay? Nasundan niya kaya ako? Hindi na bale iyon, basta ang alam ko kung ano ang pakay niya dito. Ang alam niya ay annulled na ang kasal naming ni Micah, kaya malakas ang loob niyang sumugod dito. Dapat ko na itong tapusin para maging tahimik na ang lahat. Kahit ako ay gusto ko na ring maging tahimik na ang buhay ko, namin ng pamilya ko na walang nanggugulo.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon