Chapter 16: Wife's Benefits ~
Xenia's POV:
Hinihintay ko sa labas ng airport ang pagdating nila, kasama ko ang mga rescue team at ilang tauhan ni Dale. Kinakabahan ako at palakad-lakad back and forth. Ano'ng mukha ang maihaharap ko kay Micah? Matagal na naman niyang alam na may ka-affair ako, pero bakit ako kinakabahan ng ganito? Bakit kinakabahan ako sa paghaharap naming tatlo? Ano'ng gagawin ko? Naiiyak ako, pero punung-puno ng kaba sa dibdib ko. Natatakot ako sa pagdating nila.
"MOMMY?!", narinig ko ang sigaw ng isang bata na tinatawag ang ina niya.
Nilingon ko kung saan iyon nanggaling at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang may-ari ng boses na yon. Napaiyak ako sa tuwa nang makita ko si Allison na tumatakbo palapit sa akin. Tumakbo na rin ako para lapitan siya at agad siyang niyakap ng mahigpit.
"Thank God, you're alive!", I cried. "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Is there something that hurts you?", sunud-sunod kong tanong. I gasped and tears flooding through my cheeks. Halata sa akin ang labis na pag-aalala sa kanya. Salamat sa Diyos, salamat at ligtas siyang nakabalik dito.
"I'm fine, Mommy, but Daddy was really hurt", she said.
"Where's your daddy?", natataranta kong tanong.
Lumingon siya mula sa pinanggalingan niya at sabay tumuro. "There they are".
Napatigil akong bigla nang makita ko na magkasabay na naglalakad sila Micah at Dale kasama ang ilang rescuer. They were both heading in where I was standing. Nakaramdam ako ng mas matinding kaba. Palapit sila nang palapit sa kinatatayuan ko. I was utterly horrified. Bumibilis ang tibok ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako. Ano'ng gagawin ko? Please patigilin niyo muna ang oras. Hayaan niyo akong makapag-isip kahit sandali. Please.
"Xenia?", sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan na sinambit ni Dale ang pangalan ko.
This time, napapaligiran na nila akong dalawa. I was between them. Nasa gitna nila akong dalawa. Pagkatapos ay tumakbo si Allison palapit kay Micah at hinawakan ang kamay niya.
"Mommy?", sambit ni Allison.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Nasa sitwasyon ako na kailangan kong mamili sa kanilang dalawa. Pareho nila akong hinihintay. Sino ang lalapitan ko? Naguguluhan ako. Sino ang uunahin ko? Ang pamilya ko ba o si Dale na matagal na akong hinihintay? Sino ang pipiliin ko? Siya ba na pinangarap ko noon o siya na kumakatok sa puso ko? Ano'ng paiiralin ko, isip ba o ang puso ko? Ako ay litong-litong-lito. Sino ang pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako? Haha echos lang, nirevised ko lang 'yung kanta. Pero seryoso, sino ba talaga ang pipiliin ko? Kinakabahan ako, takot na takot at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Humarap ako kay Micah at nakita ko na seryoso lang siyang nakatingin sa akin at hinihintay nila ako ng anak ko. Sabay ay napatingin naman ako kay Dale, nakangiti siya sa akin habang hinihintay ako. Nagdadalawang-isip na ako. Kapag pinili ko ang isa sa kanila, alam ko na may masasaktan. Pero dapat ako mamili ng isa sa kanila.
Muli ay humarap ako kay Micah, but this time, he decided to go. Umalis na sila ni Allison. I glanced at Dale and he just smiled and nodded. I nodded also at tumakbo na ako pasunod kina Micah. Now it was clear to me na sila Micah ang dapat kong piliin. Ang pamilya ko ang dapat kong piliin. Sa ngayon, mas kailangan nila ako, kailangan ako ni Micah.
![](https://img.wattpad.com/cover/15268992-288-k544532.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
Ficción GeneralA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...