Chapter 21

3.2K 43 9
                                        

Chapter 21: Wife's Benefits ~

        Hindi ko na naman ulit nakasama si Dale nang umagang iyon. Maaga siyang pumasok sa trabaho niya. Nagpasya ako na lumabas na ng kwarto at maglakad-lakad sa buong loob at labas ng bahay para naman ma-exercise ako.

        Habang naglalakad ako sa hallway ng bahay, nakita ko si Margarette na nanay ni Dale na naglilinis ng sahig gamit ang vacuum cleaner. Lumapit ako sa kanya para batiin siya, kunyare close kami.

        "Bakit ho kayo ang naglilinis?", tanong ko sa kanya.

        "Ginagawa ko na ito minsan sa umaga", sagot niya, pero nakatuon siya sa nililinis niya.

        "Kumain na ho ba kayo?", tanong ko ulit.

        Napatigil siya sa paglilinis at humarap sa akin na parang nairita sa tanong ko.

        "Wala ka namang pakialam kung kumakain ako sa oras o hindi, 'di ba?", pagmamataray niya.

        "Alam niyo, kahit ayaw niyo sa akin at ayaw ko rin sa inyo, kailangan ko kayong pakisamahan dahil kayo ang nanay ni Dale. Tama ho kayo, wala nga akong pakialam sa kalusugan niyo at kung pwede nga lang hilingin na sana mamatay na kayo sa gutom ay ginawa ko na, pero pinipilit ko pa ring maging mabait sa inyo, dahil nga KAYO ANG NANAY NI DALE", I said calmly but sarcastic.

        "Maldita ka!", nagalit siya, malamang. Bigla niyang sinunggaban ang braso ko at hinawakan ako dito ng mahigpit. Masakit, sobrang sakit dahil hinahawakan niya iyong parte kung saan hinawakan din ni Dale ang braso ko.

        "Aray! Masakit ho!", singhal ko.

        Napatingin siya sa braso ko kung saan siya nakahawak. May malaking pasa ito na kagagawan ni Dale. Sa sobrang higpit kasi ng pagkakahawak ni Dale, nagpasa na ang braso ko.

        "Napaano 'yan?", tanong niya nang bitiwan na niya ako.

        "Wala ho", sagot ko.

        Hindi ko sinabi na si Dale ang may dahilan nito, kasi kapag nalaman niya na si Dale ang may gawa nito matutuwa pa siyang lalo. Sasabihin pa niya 1-0, naka-one point siya laban sa akin.

        "Alam ko si Dale ang may gawa niyan. Nag-away kayo?", nakangiti niyang tanong.

        Nakakabwisit, nang-aasar pa yata siya. "Hindi ho kami nag-away. Hindi naman ho niya ito magagawa kung hindi niyo sinusulsulan. Kayo ho ang may dahilan nito".

        Alam ko maldita talaga ako, pero kasalanan niya kasi iyon. Masyado siyang mapapel sa anak niya, akala mo mga bata pa ang mga anak niya para diktahan ng mga dapat nilang gawin.

        "Aalis na ho ako", sabi ko. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na palayo sa kanya. Ayaw ko sirain ang umaga ko dahil sa kanya.

        Habang naglalakad na ako palayo sa kanya bigla akong nakaramdam na may kung ano ang tumira sa likuran ko. Nagulat ako at napasigaw nang mapaharap ako sa kanya. Nakatapat sa akin ang nguso ng vacuum cleaner at pinihit niya ito sa reverse para lumabas ang mga alikabok papunta sa akin. Tawa siya ng tawa nang maalikabukan ako.

        "Baliw ho kayo!", inis kong sigaw.

        "Sa isang laban kasi, Xenia, wag mong tatalikuran kaagad ang kalaban mo hangga't hindi pa siya natutumba", pangangaral niya.

        Hindi ko na siya pinansin at nagmadali na akong bumalik sa kwarto para maligo na, napakarumi ko kasi. Lahat ng alikabok na nasa loob ng vacuum ay nakadikit na sa akin ngayon. Loka-loka talaga 'yung Margarette na 'yon, baliw siya, baliw!!! Argh! Nakakaasar. Naisahan na naman niya ako, nakakinis!!!

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon