CHAPTER 2

2K 78 0
                                    

Pagkatapos kung pagmasdan ang mukhang mayroon ako ngayon ng ilang minuto ay naligo na ako.




Naghalungkat ako ng damit na pwede kung gamitin pero hindi ako makahanap ng pasok sa taste ko. Hanggang sa kinalkal ko na ang ibang mga kabinet dahil baka may mahanap ako doon.



At mabuti nalang ay may nakita akong isang puting blouse at puting palda na abot sa talampakan ko lamang.




Hmm....not bad...I prefer wearing this than those types of dresses.



Sinuot ko nga ito at hindi talaga ako nagkamali dahil bumagay ng husto sa akin-este sa katawang ito ang damit.



I look mature.....


Itinali ko ang buhok ko ng high bun at hindi na inabala ang sariling gumamit ng make up hindi tulad ng ginagawa ng dating may-ari ng katawan na kinalalagyan ko ngayon.




Para siyang clown dahil sa kapal ng kolorete sa mukha niya!




May nakita din akong pares ng black flare heel at yun ang sinuot ko.



Habang nakatingin din sa salamin ay naisip kung tignan ang lugar na kinaroroonan ko. May nakita akong terrace dito sa kwarto kaya doon ako pumunta.



Pagbukas ko ng pintuan ng terrace ay sumalubong sa akin ang malamig na hampas ng hangin sa mukha ko. Tinanaw ko ang paligid at hindi nga ako nagkamali.



Malawak at masaganang lupain. Napapaligiran ng mga puno at ibang mga bahay. Ang mga hardin ay malawak at makukulay ang mga disenyo. Mga maids at trabahador na nagkalat sa buong paligid ng mansyon....parang palasyo naman ata ang laki ng bahay dahil pansin kung nasa mataas na bahagi ang kinaroroonan ko.




Habang nakatingin ako sa paligid ay naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Medyo napahigpit ang pagkakahawak ko sa railings dahil sa sakit.



What the heck!




Hindi naman naging matagal ang sakit ng ulo ko pero halos bumigay na ako sa sobrang kirot.




What an extreme pain indeed.




Muntik na akong mapasalampak sa sahig pero dahil nakakapit ako sa railings ay di iyon nangyari. Biglang nanginig ang buong katawan ko hindi dahil sa takot pero dahil sa kakaibang galit at poot.



Now it makes sense why she choose to become evil.




Sino bang may gustong alipustahin at hindi mahalin? Who wants to be unwanted and unlove? Who wants to be called a disgrace and a black sheep of your family just because you can't have the traits they want you to have?




Hindi ako magtataka kung bakit niya piniling magrebelde at tahakin ang maling landas.




Because just like any other villains...she has a story to be revealed.



Anasha Ravenese is known as the First Young Lady Evictrium. A woman born with unparalleled intelligence and matchless beauty.




Simula ng ipanganak siya ay hindi naging madali ng husto ang buhay niya. Her parents weren't there when she's celebrating her birthdays.




Mula ng lumaki siya ay hindi siya nabibigyan ng kahit kaunting atensyon. She grow up to be unwanted and unloved by her own family. The maids looked down at her. Mocking and talking bad things about her.




Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon