CHAPTER 62

1.4K 60 0
                                        

RAVENESE'S POV

It was already noon when we arrived at Trium City. Ako na mismo ang nagsabi kay Secretary Clark na kumain muna kami ng tanghalian sa isang restaurant dahil alam kong baka pagod na din siya sa pagmamaneho ng halos ilang oras.




Pumayag naman siya at ipinarada ang sasakyan sa malawak na parking lot ng isang five-star restaurant. It was quite familiar to me. Ito yung restaurant na madalas tambayan ni Anasha noon kapag bumibisita siya sa mga Evictrium.







Secretary Clark politely opened the door and assisted me from behind. He was silently following me. One of the staff immediately greeted me the moment I stepped inside. Siguro ay nakilala niya ako dahil nga sa madalas dito si Anasha.








I asked for a private room while smiling and calmly talking with the staff. Maya-maya lang ay inihatid na din kami sa isang private room na may malawak na dining table. After listing down out orders, the staff left and advised us to wait for ten minutes.








Nagpaalam naman ang kasama ko na may tatawagan. Hindi ko naman siya pinigilan dahil alam kung si Leander ang tatawagan niya para sabihing nandito na kami sa Trium. I'm very sure, may bago na namang utos ang lalaking iyon sa sekretarya niya. Tss!









I shortly sent a message to my brother, Riley, that I'll be home in an hour or so. Ganoon na din kay Elle dahil tiyak ako naghihintay iyon ng mensahe galing sa akin.







Moreover, I want to meet Dahlia and SXM, it's been a month since I last saw them, I think? Maybe?






Alam ko namang si Dahlia, pogi hunting pa din ang alam. Si SXM naman, ewan ko na. Baka training lang ang nasa utak.








Saktong pagdating ni Secretary Clark ay siya ding pag-deliver ng staff sa order namin. She carefully placed the plates on the table and politely bowed before she left.









"How's the company? Is it doing well?" Sa gitna ng tanghalian ay hindi ko inaasahan na magtatanong ako ng ganoon kay Clark. Napahinto naman ang lalaki at nag-isip ng sasabihin saka sumagot.








"Y-yes, M'lady. It's doing well. The sales are going up. The president has closed countless successful negotiations abroad. Chains of business are rising. The company is making millions of money everyday." He formally stated. Napatango naman ako sa sinabi niya at hindi na nagtanong pa.







Baka kung ano na lang ang tanungin ko. Maging iba ang pagkakaintindi niya. Tss!





Nagkaroon pa kami ng pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa natapos namin ang pagkain ng kalahating oras. Tumambay muna kami ng limang minuto saka lumabas.








A staff arrived to assist us. Binayaran ko ang kinain namin at binigyan ng tip yung staff kanina. I like her temperament, that's why.








Nauna sa parking lot si Clark dahil ba din sa utos ko habang ako naman ay saglit na nagpunta ng comfort room para mag-ayos ng buhok. Medyo nagulo ang buhok ko kanina.








Tutuloy na sana ako kaso sa hallway pa lang ay napahinto na ako nang makita ang isang delikadong tao. Kasing delikado ni Leander. Kung iisipin, isa siyang walking death flag. D-mn! I need to leave now!







Pero bago pa ako tumalikod ay nakita na niya ako. Our gaze met. I calmly met his fierce gaze and nodded silently before I broke our eye contact and left. I need to run way from Zander's gaze now! Geez!







Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon