CHAPTER 18

1.4K 40 2
                                    

"Madam, your asking for me?" Bungad ni Dahlia pagkapasok sa opisina. Yumuko muna ito saka naglakad palapit sa akin at umupo sa isa sa mga upuan.




Tanging tango lamang ang ginawa ko.




"What would I, your humblest servant, should do for you?" Magalang habang nakayuko pa nitong saad pagkaupo niya. Napakunot naman ang noo ko sa inaasta niya. At saan na naman niya napanood ang bagay na iyan?





"Do you know someone who's good at tailoring?" Hindi ko nalang iyon pinansin at nagtanong sa kanya habang gumuguhit.






"Huh? Tailor? Why would you ask for that, Madam? And excuse me, assassin ako hindi mananahi!" She immediately rant. I sighed while listening to her nonsense blabberings.






"Yes, tailor, Dahlia. Tailor. Well excuse me too but did I said that you'd be the one to sew? Hmm? From what I remember I said, a tailor. Someone good at sewing not killing. Tsk!" Asik ko habang nakatingin ng malamig sa kanya. Tumikhim naman ito't nagpeke ng ngiti.





Tsss! Nakakairita talaga siya minsan e!






"Oh, hindi ka nagkamali ng napagtanungan, Madam. I know someone very well. A trusted one." Biglang nagbago ang tono ng noses niya at naging hyper iyon. Hay! Tumango lamang ako at pinagpatuloy ang pagguhit.





"I want to meet 'that' person, tomorrow." Pinal kong turan at pinalabas na siya. Wala naman itong ibang sinabi kung hindi ay 'oo.'





Habang gumuguhit ako ay bigla kong naalala ang wikang ginamit ni Dahlia. Dahil sa kakaisip ko sa mga karakter at plot ng nobela ay nakalimutan ko ang ibang detalye tungkol dito.






Nakalimutan kong nakakaintindi at nakakapagsalita ang mga tao dito ng 'tagalog.' Yup! Hindi lang talaga sila sanay!






Well, people here are more favorable in using 'english' rather than 'tagalog.' Even commoners, middle class, aristocrats, and rich peoples. Kumbaga, rare, ang paggamit ng tagalog dito.





Hindi ko nga alam sa owtor at nilagyan pa ng tagalog na wika kung hindi rin naman ginagamit ng mga tauhan ng nobela. Ano yun? Decoration lang? Tsk!






Hindi ko na nga namalayan ang oras dahil sa pagiging busy ko sa loob ng opisina. Pagkatapos ko kasing gumuhit ay isinunod ko naman ang pag-asikaso at pagpa-plano para sa internal affairs ng villa. Kailangan ko din naman kasing pamahalaan ng maayos ang lugar na ito. Isa pa, kargo ko ang anumang aksidente o kapahamakan na mangyayari dito.







Kaunti man at bilang lang ang mga tauhan dito. Malawak ang bahay pati na ang bakuran kaya mas magandang gumawa ng plano para sa ikatatahimik namin.






Agad kong kinuha ang fur coat ko na nakasabit lang sa tabi at isinuot iyon. Sheemz! Ang lamig! Pero ano pa nga bang aasahan ko, winter forest ito e!







Mabuti nalang at may 'fireplace' sa loob ng opisina. Agad kong tinawagan si J1, si Jenevia gamit ang telepono na konektado sa buong bahay. Ako talaga ang nag-suggest ng ganito kay Victor dahil nga sa minsan ay tinatamaan ako ng katamaran. Malawak ang bahay at ayokong maglibot ng ilang minuto para lang maghanap ng isang tao. Sayang sa oras!






Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon