CHAPTER 58

1.9K 90 58
                                        

Good morning/evening, dears!

I would like to say, "thank you", for your understanding and empathy. Gumagaan ang loob ko sa mga comments niyo. You guys changed my perspective. Hindi lang din pala kaibigan o kamag-anak ang pwedeng magbigay ng kapayapaan sa isip at pakiramdam ng tao.

With the Lord's help, and all of your encouragement, I've overcomed another misery. Thank you everyone:)

Btw, if ever you spot an error, try to ignore that, pero kapag talaga hindi mo magawa, comment it out. And, I'll fix it.

So, that's all, enjoy reading!

_____________________________________________________________

RAVENESE'S POV

Pinakiramdaman ko ang paligid, tinitiyak na walang nakasunod sa akin. Nang matiyak na walang nagmamasid sa akin ay mabilis akong lumiko sa isang pasilyo patungo sa veranda.





Tahimik akong lumapit doon saka nagpalinga-linga sa paligid bago mabilis at walang pagdadalawang-isip na tumalon. Mataas ang gusali. Subalit mabilis din naman akong napahawak sa railing ng nasa ibabang veranda. I climb up until I finally settled at the veranda just below where I jumped down.





Nakatayo doon si Elle at maangas na nakasandal sa pader. She was looking at me, amused. May malaki itong ngisi sa gilid ng kanyang mga labi at natatawang lumapit.





"I'm astonished, Madam." She complimented with a smile. Hindi man niya makita ay nginisihan ko siya.



"Are they ready?" I asked, cautiously.





"You don't have to worry, m'lady. I already made sure that everything fits as to where it should be." She said, meaningfully. I hummed in response.





"Where is it? Hand it to me." I commanded.




"Here it is, Madam." Saad niya sabay abot sa hinihingi ko.






"I received it just a while ago. SXM, he's with Dahlia. Monitoring the whole perimeter while Jasper is still on his way." She reported.





"Ok, wait for my signal. After the count of three, don't forget that, Elle." I instructed, seriously.





"I understand, Madam." Sang-ayon niya at saka nagpaalam.







Lumapit ulit ako sa railing at dahan-dahang kinalkula ang galaw ko saka mabilis na naglambitin at inakyat ang balkonahe kung saan lang ako tumalon kanina. Mabuti na lamang at madilim kaya't walang nakakapansin sa akin.





Bonus pang maayos akong nakaakyat. Nang makatapak sa semento ay inayos ko ang sarili at pinagpag ang damit. Sinigurado kong hindi matatanggal ang suot kong hijab.




NAGPUNTA ako sa comfort room para hugasan ang mga kamay ko at i-activate ang bagay na ibinigay ni Elle. I carefully hid it in my body.





Pagkatapos kung masiguro na maayos at mukha na akong presentable ay lumabas ako ng comfort room. Wala naman akong hustong nakakasalubong, siguro ay tutok na tutok sila sa programa.




Nang makatapak ako sa venue ay nakita ko na agad ang isa sa mga bisita na nagsasalita tungkol sa 'hindi ko alam na bagay at wala akong pakialam'.





Napatingin naman ako sa dalawang magkaharap na terasa. Sa kanan, nakapwesto ang mga male leads at Whitlocks, maging ang prinsipe. Sa kaliwa, nandoon ang ibang mga pamilya.





Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon