CHAPTER 27

844 41 4
                                    

Gagi! Hindi ko ito inexpect!
_______________________________________

Talagang hindi ko inexpect na makita ang lalaking ito dito. Anong nakain niya't napunta siya dito sa book store.


Don't forget your plan, Veranell! Maghanda ka ng magpanggap sa harap ng lalaking magaling sa aktingan. Sikat na celebrity iyan, Veranell!


"Excuse me, mister. But I grab the book first." Seryoso kung wika. Hindi ito nagsalita.


Kunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Maya-maya'y bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.


"L-lady E-evictrium-m?" He stutters, my brows furrowed.


Ayusin mo ang pag-arte, Anasha! Kung hindi---alam mo na ang mangyayari sayo!


"You know me?" Gulat kong tanong. Mas lalong kumunot ang noo niya.


"Of course, why are you so shocked, m'lady." Natatawang usisa niya. Seryoso lang akong nakatitig sa kanya.


"I am shocked, mister. Who are you, by the way? I don't know you." Nawala ang ngiti ng lalaki sa harapan ko dahil sa aking sinabi.


Naningkit ang mga mata niya at mariin akong tinitigan. Pasimple kong tinignan ang kabuo-an niya. Hmm! Good! Wala siyang hawak na baril!


Delikado na ako kung may dala siya. Baka barilin pa ako ng animal dito dahil kaunti lang ang tao sa banda dito. Hindi pa rin nawala ang mariin nitong pagtitig.



Aba't! Huwag kang magpapatinag, Veranell! Panindigan mo na may amnesia ka talaga!



"Are you kidding, Lady Evictrium?" Sumeryoso na ang boses niya. Oh my! Paano ko ba mapapaniwala ang ungas na'to!



Akma sana akong magsasalita ng dumating si mom. You're my saviour, mother!


"Anasha, are you done---Daniel?" Halatang nagulat si mom ng makita ang ungas. Hindi agad ito nakapagsalita. Ganoon din ang mokong.


"Madam Evictrium, how come?" Nalilitong wika ng animal. Ha! Ang lakas din ng amats nito e! Galing umarte!


Tumikhim ang ginang at nagsalita.


"Kumain muna tayo." Seryoso ang boses ng ginang. Tumalikod ito kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Ibinalik ko ang librong hawak ko sa bookshelves. Hindi ko namalayan na nabitawan na pala ito ng mokong kanina.



Sumang ayon lang ito kay mom. Naintindihan agad nito ang sinabi niya kaya sumunod siya sa amin. Sabay kaming nakasunod na naglalakad ni Daniel.


Ang celebrity guy! Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya e! Pero ayos na lang din, mabuti nga at hindi si Asher ang nakita ko.


Walang nagsasalita sa aming dalawa. Malalim din kasi ang iniisip ng mokong at ako nama'y ayaw makipag-usap sa kanya.


Hindi naman agad katagalan at pumasok kami sa isang restaurant. Hindi ko na pinansin ang paligid dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa mga galaw ni Daniel.



Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon