CHAPTER 65

2.2K 78 46
                                        

RAVENESE'S POV

I slowly clenched my fist as my thought drifted to my actions and to what happened awhile ago.




D-mn it!


Why did I even react that way?! Seriously, openly flirting that guy. Tsk! Hindi ko naman inasahan na magiging ganoon ang reaksyon niya. I mean, his actions awhile ago have never ever crossed my mind.








Minsan, napapaisip ako kung, may hindi ba ako nalalaman tungkol sa dating relasyon ni Anasha at Leander. Nakakapagtaka din kasi, I can't seem to remember any memories that they have shared together while they're married.









Basta ang alam ko lang, galing sa nobela at mula sa memorya na mayroon ako, Anasha is submissive pitiful wife while Leander is a cold ruthless husband.






I tried to recall the novel for an information about the two's marriage but I can't remember anything aside from the early informations. Isang sikreto lang talaga ni Leander ang maalala ko. And that is about his condition.







Albinism, which is a rare genetic disorder, hindi pala eye disorder is a condition that he inherited from his grandmother. Ang totoo niyan, hindi naman talaga kulay itim ang buhok niya, it should be white as snow. He just dyed it permanently and hid it from the public.




As for his red colored-irises, ganoon na talaga iyon dahil nga sa nasabing kondisyon.





(Note: Red eyes in people with albinism are due to the lack of melanin in the iris, making the eye translucent. This allows the blood vessels in the back of the eye to reflect red light.)





Aside from that information, wala na akong ibang maalala pa.



*Sighs!





Iwinaksi ko na lang muna sa isip ko ang bagay na iyon at nag-pokus sa pagmamaneho. I speed up and drove faster than before. Aiming to arrive at the academy earlier than nine o'clock before the conference meeting starts.







Nagawa ko naman iyon ng maayos kahit pa muntik na akong makalabag ng batas sa daanan. Geez!








Nang maayos ko ng maiparada ang sasakyan sa parking lot ay agad akong lumabas bitbit ang bag ko at naglakad papunta sa main hall ng akademya kung nasaan ang conference room.





Dahil malapit ng mag-alas nuwebe ay marami-rami din ang mga estudyante sa paligid. Naagaw ko pa ang atensyon nila kaya't naglikha iyon ng bulungan sa paligid.






Geez! Mukhang maaga silang dinismiss ng mga heads dahil sa conference meeting na magaganap.





Nakasalubong ko din ang mga head ng  departamento. Bumati ang mga iyon na siyang tinatanguan ko lang habang nangunguna sa paglalakad papunta sa conference room.





Sa labas pa lang ay nakatayo na si Director Gray, pormado at matikas ang tindig. Parang nakahinga ito ng maluwag ng makita ako. Siguro ay dahil sa hindi ako maagang nakarating dito sa akademya kaysa sa mga nakalipas na araw.





"Glad to see you, Lady Ravenese." Bati niya ng makalapit na ako. I nodded and signaled him. Hindi ako pumasok sa conference room bagkus pumasok ako sa pintuang katabi ng conference at doon hinintay si Directory Gray.






Ilang minuto lang din ay pumasok na sa opisinang kinalalagyan ko ang Direktor. Hawak-hawak nito ang sentido na para bang may malaking problemang kinakaharap.







Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon