Pagkaalis ni Lady Seraphina ay tumayo na din ako. Inayos ang librong binabasa ko at saka pumasok sa banyo para maligo.
Habang naghahalungkat ako sa mga damit ay halos manggigil na ako sa inis. Punyetang mga damit!
Parang sasabog na ang ulo ko kapag iisipin ko pa lang na suot-suot ko ang mga damit na nandito. Hindi kasi ako nakapagdala ng damit dahil nakakapanghinala naman kung gagawin ko iyon.
Saka ko nalang tatawagan si Elle para dalhan ako ng damit. Gagawa talaga ako ng paraan para lang makakuha ng maayos na damit.
Kahit ayaw na ayaw ko sa mga light colors na damit ay wala akong nagawa at isinuot ang isang v-neck long sleeve silk dress.
Kulay pale sky blue at walang hustong disenyo. Plain at elegante tignan.
Sa kakahalungkat ko ay ito lang ata ang pumasa sa mga mata ko. Wala na talaga akong ibang damit na mapili kaya ito na lang. Hanggang tuhod ito at hindi naman pang-manang tignan dahil sumakto ito sa hubog ng katawan ko-este ni Anasha.
Aishh! Ang hirap ding mang-angkin ng hindi iyo 'no? May konsensya ka din palang natitiyak, Veranell? Aisst!
I tied my hair in a low bun and wore a simple white heels.
Sinuri ko ang mukha sa salamin saka ngumisi. Chaos...wait for me! Mother is coming for you! Pfftt! *evil laughs!
Napailing na lang ako sa mga iniisip ko.
Lumabas na lang ako ng kwarto at naglakad papuntang hagdan para bumaba. May mga katulong akong nakakasalubong.
Napapatulala pa sila bago mahihiyang iyuyuko ang ulo.
Grabe namang ganda ito, Anasha! Inggit na tuloy ako sayo!
Ngingitian ko na lang sila at hindi na kakausapin pa. Pero kahit ganun lang ang gawin ko ay may epekto pa rin. Yawa talaga! Nakakamatay na ganda ang taglay ng katawang ito!
Pagtapak ko sa huling baitang ng hagdan ay napunta agad ang tingin ko sa dalawang babaeng nakatayo sa harapan ko. Mga tatlong metro ang agwat ng layo nila.
Magkamukha sila--geez! Syempre identical twins sila e! Kailan ka pa naging tanga, Veranell?
"Good morning, Anasha." Masiglang bati ni Larrisa sa akin. Nakangiti ito ng abot hanggang tenga.
Ngingiti na nga lang halatadong peke pa. Wala talagang nagawang mabuti ang two-faced na babaeng ito! Pinapasakit niya ang ulo ko!
I put up a fake smile and nodded. Ayokong magsalita dahil baka ano na naman ang sabihin ng malisyosong bibig na ito. Muntik pa akong mapa-away kay Francise kahapon. Nadulas ba naman ako sa sinasabi ko kaya uminit agad ang ulo ng bruha.
Luh? Alalahanin mo nga ang sinabi mo, Veranell! Ibunyag mo ba naman kasi ang plano nila, anong magiging expectation mo? Tutunganga sila?
Harap-harapan ang pagmamaldita ni Francise. Pero marunong din siyang umakting dahil kapag alam niyang nandyaan ang mga Evictrium maging ng mga trusted personnels gaya ni Butler George ay tatahimik siya.
BINABASA MO ANG
Being Her [On-going]
RandomVeranell Laxinne, the well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her with a life of luxury and popularity. However, Veranell's life takes a dramatic turn when a tragic eve...