THIRD PERSON'S POV
Nagising ang lahat ng tao sa mansyon ng mga Evictrium dahil sa hindi inaasahang sigaw ng isang katulong habang nakatingin sa babaeng naglalakad na nakaputi at may mahabang itim na buhok.
Nakatabon ang itim na buhok sa mukha nito habang papalapit ito sa katulong. Mas lalong lumakas ang tili ng katulong at nawalan ng malay.
"What's happening?" Mahinhin na sigaw ni Larrisa at Francise na kalalabas lang galing sa kanilang kwarto. Naglabasan na din ang iba pa. Si Rhen ay pupungas-pungas pa habang nakahawak sa ulo nitong parang binibiyak na dahil sa hangover.
Si Riley na agad lumabas habang nakasuot lang ng roba at tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok nito.
Ang mag-asawa nama'y ganuon din. Mukhang kakagising pa lang.
Agad silang napatingin sa babaeng rason kung bakit nagsisi-sigaw ang katulong. Larrisa was horrified. She became pale and soon fell to the ground due to horror. Bakas ang takot sa mukha nito dahil pakiramdam niya'y nakakita siya ng multo.
Agad inakay ni Francise ang kapatid papunta sa kwarto nito.
Kumunot lamang ang noo ni Riley. Lutang at nahihilo pa din si Rhen.
"Anasha?" Tawag ng ginang sa kanyang anak. Kaagad itong bumaba ng hagdan. Mabilis naman din siyang sinundan ng anak na si Riley ng tawagin ng ina ang pangalan ng kapatid.
Sinalubong ng ginang ang anak ng yakap. Ang babaeng tinatawag nitong Anasha ay tahimik lang habang nakatayo. Hindi ito gumaganti ng yakap.
The woman tucked her daughter's hair behind her ears. Para makita niya ng maayos ang itsura ng anak. Naluluha niyang hinaplos ang mukha ng dalaga na nagtatakang nakatingin sa kanya.
"Who are you?" The woman froze. Kumawala na sa pagkakayakap nito ang anak at bahagyang lumayo sa kanya.
"Who are you? Where am I?" Nagtaka at nagulat sila sa sinasabi ng dalaga. Nalilito nitong inililibot ang tingin sa bawat sulok ng bahay.
Sinubukan ng ginang na lapitan ang anak. Pero lumayo ito at agad nagsalita.
"Don't come near me and answer my question! Who are you?!" Sa narinig ng ginang ay nagsimulang magtuluan ang luha nito. Si Riley na nakatayo sa gilid ng ina ay parang na-estatwa.
Bigla namang nawala ang hang-over ng binatang si Rhen at kaagad bumaba ng hagdan. Kasunod ang ama nito. Dinaluhan nila ang ginang na umiiyak na habang pilit hinahawakan ng kanyang anak na si Riley pero winawaksi niya lamang iyon.
"M-my d-daughter, c-can't you r-remember me, h-hmm? I-i'm y-your m-mother." Malambing na wika ng umiiyak ginang habang dahan-dahan lumalapit ito sa anak.
"What are you saying? Y-you're m-my m-mother? B-but----ahhhh!" Hindi na naituloy ng dalaga ang sinasabi ng bigla itong sumigaw. Napahawak sa kanyang ulo at sumalampak ng sahig.
Mabilis namang tumakbo ang ina palapit sa kanya at niyakap ito.
"Arghhh! M-mother? I-it hurts." Nauutal na ang dalaga habang hawak-hawak ang ulo nito. Nagsisimula na ding magpatakan ang mga butil ng luha nito.
"What? S-saan ang masakit? A-anasha." Nag-aalalang tanong ng ginang. Awang-awa siya sa itsura ng anak nito.
Pilit niya naman itong kinakausap pero hindi umiimik ang dalaga. Nang tignan nito ang mukha ng dalaga ay napahiyaw siya at napaiyak pa.
"My daughter! You three there, tumawag kayo ng doktor!" Natatarantang utos nito sa mga anak at asawa.
Bigla namang nabalik sa reyalidad ang lalaki sa sigaw ng ina. Maging ang ama't kapatid nito.
BINABASA MO ANG
Being Her [On-going]
RandomVeranell Laxinne, the well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her with a life of luxury and popularity. However, Veranell's life takes a dramatic turn when a tragic eve...