Anasha's POV
Inosente akong napalingon sa katulong na tumawag sa akin. Papalapit ito kasama ang iba pa niyang kasamahan sa trabaho.
"M-m-milady?!"
Nang lumingon ako ay halos matawa na ako ng husto sa reaksyon nila. Nagpipigil lang ako at nakakunot ang noo.
Kalma lang Veranell! Gandahan mo na lang ang acting mo!
Namumutla na ang katulong na tumawag sa akin at bakas na bakas sa mukha niya ang takot at gulat. Maya-maya'y bigla itong nawalan ng malay. Hindi na siguro kinaya ang takot na nararamdaman.
E kung ikaw ba naman makakita ng babaeng dalawang buwan ng patay, tiyak na matatakot ka!
"M-milady, i-is that you? H-huwag mo naman po kaming takutin. Alam naming may kasalanan kami sa iyo pero huwag mo naman sanang gawin ito sa amin. Milady!" Naluluhang sabi ng isa sa kanila na agad sinegundahan ng iba.
Alam naman pala nilang may kasalanan sila e! Hindi na ako mahihirapang parusahan ang mga iyan!
"What are you talking about?" Nagtataka't nalilitong turan ko. Lalo naman silang nag-drama.
"Milady, kung nananahimik ka man at nagambala ka namin ay patawarin mo kami. Milady, huwag niyo naman kaming ganituhin." Mahina akong napatawa dahil sa mga pinagsasasabi nila. Kung papatayin ko man sila hindi biglang multo kundi bilang Anasha. * smirk!
Hindi ko na binigyang pansin ang reaksyon nila.
Nagulat na lang ako ng may humawak sa akin. Muntik ko pa itong ibalibag pero mabuti at napigilan ko ang gulat ko.
Parang tanga ang katulong na pahawak-hawak sa akin. Tila tsine-check kung tao ba ang nasa harapan nila at hindi multo.
Mukha silang tanga! Pfftt!
"Milady! I'm sorry for my impudence! Please punish me for touching you with my filthy hands!"
Agad lumuhod ang katulong ng makumpirma nga'ng hindi ako multo. Kilala pala ako ng mga ito e! Mabuti't may kaunting respeto pa sila!Now! Time for it!
Humawak ako sa batok ko at maya-maya'y nagpanggap na nawalan ng malay. Nang matumba ako ay narinig ko ang pagtakbo ng iba para daluhan ako.
Pinikit ko ang mga mata at umarte talaga na para bang nawalan ako ng malay. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin at ang paglalakad nito sa isang direksyon.
Papasok sa mansyon! Ayos!
Habang papasok ay tanging ingay lang ang naririnig ko dahil sa mga katulong at trabahador na nagkakagulo. May naririnig din akong tsismisan sa gilid lang.
Aba't nagawa pa talagang magtsismisan sa ganitong pagkakataon! Mga gaga!
Maya-maya'y biglang tumahimik ang paligid. Idinilat ko ng kaunti ang aking mga nata at nakita kong nasa loob na kami ng mansyon. Agad din naman akong pumikit muli.
Wala akong narinig na kahit na anong ingay hanggang sa biglang tinawag ng isang pamilyar na boses ang pangalan ko.
"Anasha!" Isang tao ang naramdaman kong nagmamadali papunta sa akin. Walang iba kung hindi ang kapatid ng katawang eto, si Riley.
BINABASA MO ANG
Being Her [On-going]
RandomVeranell Laxinne, the well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her with a life of luxury and popularity. However, Veranell's life takes a dramatic turn when a tragic eve...