CHAPTER 5

2.1K 76 3
                                    

Saktong pagkatapos kung ayusin at itago ang laptop at papel ay kumatok naman si Yana mula sa labas ng pintuan.

"Milady, dinner is ready!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas ng pintuan.

"Okay, I'll be there."

Sagot ko at tumayo papunta sa pinto.

Nakasunod lang ako kay Yana. Halos lapag dumadaan pa kami ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga katulong tungkol sa akin. Mabuti nalang at hindi masakit sa tenga ang topic nila.

Yung ginawa ko lang naman sa mga maids kanina at yung tungkol sa pagkamatay ni Rainelle ang mainit na topic ngayon dito sa mansyon.

Napa-tsk lang ako dahil doon.

Pagdating ko sa dining room ay nakita kong wala man lang nakaupo sa mga upuan pero puno ng pagkain ang hapag.

Tsk! Wealthy!

Pinili kong pumuwesto sa ikatlong upuan na kaharap ng pintuan. Sinimulan kong kumain ng tahimik.

Damn, gossipers! Kahit sa hapag ay ayaw akong patahimikin!

"All of you, shut up." 

Malamig ang boses ko at matalim ang tingin sa mga maids na nasa likod ko at kanina pa nagbubulong-bulongan. Napaigtad naman sila at biglang nanginig. Agad silang yumuko at dali-daling umalis.

Tsk! Kapag talaga naubos ang pasensya ko ay magsisimula na akong maghasik ng lagim!

Pinagpatuloy ko ang pagkain at pagkatapos kung kumain ay tumayo na ako at umalis. Sinamahan naman ako ni Yana pabalik ng aking kwarto.

Pagkapasok namin sa kwarto ay agad nagpaalam si Yana na ihahanda ang paliliguan ko. Tumango na lamang ako at naupo sa sofa para hintayin siyang matapos.

Habang bored kong nililibot ang tingin sa buong kwarto ay nakuha ng isang sulok ang atensyon ko. Napansin ko kasing may kakaiba doon.

Something isn't right....

Tumayo ako at akmang lalapit sa sulok pero di ko naituloy dahil biglang nagsalita si Yana.

"Milady, I've already prepared the bath."

Saad ni Yana pagkalabas galing sa bathroom.

"Okay, you may now go out, Yana."

Utos ko at di ko na itinuloy ang paglapit sa may sulok. Dumiretso na ako sa bathroom pagkalabas ni Yana.

Hinubad ko ang mga damit ko at nagbabad sa bathtub. Maayos lang naman at sakto lang ang temperatura ng tubig. Thankful pa ako at may shower dito pati na yung mga shampoo at mga sabon. Pero gumagamit padin sila ng mga flower scented oil.

Pinalabas ko na agad si Yana dahil ayokong may nagpapaligo sa akin.

Ano ako? Bata?

Normal lang naman kasi dito lalo na sa mga babae na may mga maids na nililiguan sila.

But, I'm not comfortable with that so.....

Pagkatapos kong magbabad ng halos kalahating oras ay umahon na ako at nagbanlaw saka sinuot ang roba ko at umabas ng bathroom.

Pinili kong suotin ang isang puting pajama.

Sumampa na ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Di ko naman inasahan na mabilis akong nakatulog.

__________

Naging maaga ang gising ko kaya pinili ko na gawin ang nakasanayan kong morning routine noong nasa Earth pa ako.

Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon