CHAPTER 33

825 33 2
                                    

Ravenese's POV

The celebration continued, as the sweet melody echoed through the room.



Tulad ng mga napapanood ng karamihan sa mga fantasy movies at romances ay nag-umpisang sumayaw ang mga magkaka-pareha. I only sighed in my mind.



Pagdating talaga sa mga ganitong bagay ay nawawalan ako ng gana. Mas mabuti na atang mauna na ako e! Tss!




Nagsayaw na sa gitna ang Evictrium couples. Sumali na din si Francise at Larrisa ng may mag-aya sa kanila.




May mga nag-aaya naman sa akin ngunit dahil wala akong ka-amor-amor sa pagsasayaw ng sweet dances ay tumatanggi ako. Ayos lang sa akin ang nakaupo at nanonood dito sa upuan. Kasama ko naman ang dalawang lalaking kapatid ni Anasha.




Wala din ata sa mood para maghanap ng kapareha at sumayaw! *sighs




Habang sumisimsim ako ng cocktail ay may napansin akong nakatayo sa may kaliwang gilid ko. Ibinaba ko ang iniinom at nagtatakang tumingin sa may-ari ng palad na nakalahad sa akin.





Luh? Himala! Anong nakain ng lalaking ito?




Nagpanggap akong di siya kilala at nagtatakang tinignan siya. Nakalahad lang ang palad nito habang nakatingin sa akin ng walang sinasabi.





"Who are you?" Tanong ko dahil habang tumatagal ay pinagtitinginan na kami at nag-uumpisa ng magbulungan. Walang pakialam naman ang dalawang mokong kong kasama.





Nakita ko pa sa likod ng lalaki ang hindi kalayuang table nila nina Daniel. Tatawa-tawa ang g-go dahil mukhang narinig ang sinabi ko. Ang katabi naman niyang si Asher ay kunot-noong nakabaling sa pyschopath na kaharap ko.




Hindi na ako nagulat ng ngumisi ang lalaki. He retracted his hands and tuck it in his pocket.




Baliw at nakakatakot talaga ang doktor na ito! Geez!



"Looks like you really lost your memories. How pathetic." Saad niya at binulong ang panghuli pero narinig ko naman. Bumuga na lang ako ng hangin para pakalmahin ang sarili dahil kung hindi ay masasampal ko talaga ang lalaking ito.



Napaka-gwa-este gago talaga! Arghh!




"Yeah, I lost my memories. I don't remember you, mister. Who are you?" Kalmado kong saad na may halong panghihinala at ngiting marahan . Konting-konti na lang!




"Don't worry, Lady Evictrium. I'm a doctor." Ani niya at walang hiyang umupo sa upuang katabi ni Riley.



Walang hiya din talaga ang lalaking ito! Pare-pareho talaga sila! Nahawa na ata kay Daniel!




Wala namang pakialam si Riley at Rhen doon. Parang may sari-sariling mundo. Tsk!




"I wanna ask questions, if you won't mind, milady." Pag-uumpisa Niya, tumango lamang ako at pinapakalma ang sistema ko.



Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon