CHAPTER 30

749 45 5
                                    

Anasha's POV

I woke up early in time. Maganda pa ang tulog ko dahil talagang nag-beauty rest and sleep ako ng bonggang-bongga.

Isinuot ko ang night robe ko saka binuksan ang pintuan ng veranda. Napa-tss na lang ako ng sumalubong ang dumampi ang malamig na hangin sa balat ko kahit may suot naman ako.

Hindi ko na iyon ininda. Inilibot ko ang buong tingin sa paligid ng mansyon at ngumisi ng nakakaloko. Nagpigil pa akong matawa.


Kung may makakakita sayo ngayon, Veranell! Geez! Iisiping baliw ka na! Tsk!


Ang araw na ito ang hinintay kong dumating. At last, hindi ko na kailangang magkulong sa kwartong ito. Makakalabas na din ako sa p-steng mansyon na ito.


Pagkatapos magpahangin ng ilang minuto ay umalis na ako ng veranda. Nagpalit ako ng damit, jogging pants at sando.


Magwo-work out muna ako ng ilang oras dahil matagal pa naman ang oras.

Sa pagkakaalam ko ay magsisimula pa lang ang event ng 5 PM.


Nag-ensayo ako ng ilang oras. Nang makitang mag-a-alas sais na ng umaga ay tumigil na ako. Mabilis na naligo at nagdamit ng kulay lilang off-shoulder floral dress. Abot hanggang tuhod at long sleeve.

Isang kulay lila din na kitten heel ang ipinares ko. Nag-messy low bun na lang ako at lumabas ng kwarto.


Nasa hagdan pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang mga boses mula sa baba.


Pagkatapak ko sa huling baitang ay agad ng napatingin sa akin ang Madam of the House. Kaagad itong lumapit ng nakangiti. Nasa gilid lang naman ang dalawang bruha at pa-simple akong sinasamaan ng tingin.

Tsk! Hanggang tingin lang naman ang kaya niyo e! *laughs!


"Oh my! Anasha dear, you look so beautiful. Are you ready? Let's go!" Excited na wika ni mom at akmang hahatakin ako ng umiling na ako.

"Not yet, I haven't take breakfast yet." Tanggi ko. Geez! Kanina pa kumakalam ang sikmura ko kaya nga ako bumaba.

Edi mauna na lang sila kung gusto nila.

"Is that so? Don't worry, we'll have our breakfast at the hotel. Nauna na ang dad at mga kapatid mo. Maging ang ibang servant para maghanda sa venue." Paliwanag niya.


Err! I have no time for chit-chats! I want to eat! Geez! I'm hungry!


"No need, mom. You can go ahead." Seryoso kong saad. Napatango na lang siya dahil alam niyang wala na siyang magagawa dahil pinal na ang gusto ko.


"If that's what you wants. Magpapa-iwan na lang ang isa sa mga driver natin para ihatid ka." Tumango na lang ako. Mabuti na rin iyon dahil wala akong ganang mag-drive ngayon.


The Lady, gave me a kiss in the cheek before they left. Kasama ang dalawang bruha at mga tauhan ng mansyon. May hawak na kanya-kanyang bag. I guess, laman nun ang mga damit na susuotin nila sa event.


Pinayagan din naman kasi sila ng  Evictrium couple ang iba sa kanila na sumali sa event. Yung iba naman ay nandoon para magsilbi.


Napailing na lang ako habang nakatanaw sa kanila na papalabas ng mansyon. Wala ng natirang kahit na isang servant man lang. Tsk!


Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon