CHAPTER 6

2.5K 89 15
                                    


"I would like to sign our divorce papers."

Pagkasabi ko noon ay katahimikan ang bumalot sa buong opisina. Maya-maya'y narinig ko ang pag-ubo ni Clark sa gilid habang hinahaplos ang dibdib niya.

Alam kong nakakagulat pero yun talaga ang sadya ko dito sa kulungan ng leon.

Wala naman akong nakitang kahit anong reaksyon sa mukha at mata ng male lead. Talagang diretso ang tingin at malamig pa.

Huwag ka ng mag-expect na may ipapakitang emosyon ang lalaking yan!

Nakaupo na ako sa couch at kaharap ang male lead. Siya naman ay nakaupo na parang hari at malamig pa din ang emosyon at tingin.

Hindi naman naging matagal ang paghihintay ko dito dahil pagkatapos kung sabihin yun ay agad namang pinatawag ng male lead ang lawyer ng pamilya nila.

Inilabas na ng lawyer ang itim na folder mula sa bag nito.

I guess that's the divorce papers! Finally!

Tinago ko ang excitement na nadarama dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga taong nandito sa opisina.

Iniabot sa akin ng lawyer ang folder. Kinuha ko naman ito at iniabot din sa 'asawa' ng katawang ito na ngayon ay asawa ko na.

Kung hindi lang talaga kailangan hindi ko papakawalan ang ganito kagwapong lalaki pero para sa kaligtasan ko yun kaya pass muna ako.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng male lead ng iabot ko sa kanya ang folder. At yung tingin niyang parang sinasabing 'what?'

Tsk! Parang tanga!

"After you"

Malamig ko ding saad sa kanya. Napansin ko ang biglang pagkagulat ng lawyer at ni Clark.

Bakit? Ang male lead lang ba ang kayang magsalita ng malamig...pshh...ibahin niya ako!

Hindi ko naman siguro kailangan tawagin siya ng mga honorifics dahil asawa ko padin yan.

Walang naging reaksyon ang male lead at kinuha ang folder. Binuklat niya iyon at sinimulang pirmahan ang mga papeles na nandodoon.

Base sa reaksyon at sa istilo ng pagpirma niya ay talagang talo ka pa din, Anasha. Walang pag-aalinlangan at walang pakialam. Tsk!

Pagkapirma niya ay inabot ko ang folder. Kinuha ko ang ballpen na nakalapag sa mesa.

"M-milady? Are you really sure you're doing this?"

Napatingin muna ako sa sekretarya ng male lead na si Clark dahil sa tanong nito.

Hindi din muna ako nakasagot ng ilang minuto saka bumuntong hininga.

"It's for the better."

Sagot ko at walang alinlangan na pinirmahan lahat ng papeles. Ang male lead ay pinapanood ang mga ginagawa ko hanggang sa natapos ang pagpirma ko.

Inilapag ko ang folder sa lamesa pati na din yung ballpen. Pag-angat ko ng tingin ay nakasalubong ng aking mga mata ang malalamig na tingin ng male lead.

I have finally ended one of the greatest reason for this body's demise. I have finally end Anasha's obsession towards you......Leander Hellion Scious Whitlock!

Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon