CHAPTER 42

913 56 17
                                    

Ravenese's POV

Pagkatapos ng halos limang minutong pag-uusap ay ibinaba ko na ang tawag. Tinignan ko muna ng panghuling beses ang site at saka nagmaneho paalis.





Napagpasyahan kung maglibot pampalipas ng oras. Naghanap ako ng parking lot at doon ipinarada ang sasakyan. Safe naman na iwan dahil may mga bantay sa paligid at alam kung walang magtatangkang mang-carnap dahil tiyak na sobrang bigat ng parusang ipapataw.





Kahit ako na may kapilyuhan ang utak ay hindi ko gagawin! Tiyak akong hindi kakayanin ng katawang ito ang tatlong-daang palo.






Diba? Ang bigat talaga ng parusa!






Naglakad lang ako habang naglilibot. Mas maayos kasi ang ganito dahil mas mamamasdan mo ng maayos ang bawat lugar. Sandali akong napapahinto para bumili ng mga bagay na nakakakuha ng atensyon at nagugustuhan ko.







Nang mapagod na ako kakapamili at kakalakad ay bumalik ako ng parking lot. I stored all the the things I bought into the compartment. Pagkatapos ay tumambay ako sa sasakyan ng kalahating oras.





Geez! Ba't ang boring? *Frustrations!







Parang gusto ko na lang i-umpog ang sarili sa manibela pero ng biglang pumasok sa isip ko ang isang lugar ay kaagad akong napangisi.







Well, mayroon nga palang mga battle arena ang bawat lunsod na pagmamay-ari ng mga maiimpluwensyang pamilya! Geez! The way to ease my boredom is to visit that place!








I immediately started the car's engine. Nagmaneho ako patungo sa direksyong silangan. The battle arena was located in one of the oldest abandoned buildings in the East. Nabansagan pa nga ang building na iyon bilang haunted. Being rumored as a haunted building, it became the building's facade.








Tinatago ang tunay na itsura ng lugar na iyon sa ilalim nito. Mga kasapi  lamang ng underground society at may ilan din namang negosyante  na nakakaalam ng tungkol sa mga lugar na tulad ng battle arena. Plano kung manood na lamang ng bakbakan kaysa ang gumala o di kaya'y magmukmok doon sa mansyon.









Baka makahanap din ako ng bagong mai-re-recruit para sumali sa grupo. Sa tansya ko kasi ay mukhang nasa singkwenta o higit pa pero hindi pa lumalampas sa one hundred fifty. I was aiming for five hundred. Plano kung ikalat sila sa buong lupalop ng mundong ito.










Inabot ako ng dalawampung minuto bago makarating sa abandonadong building. May mga pumupunta pa din namang mga mobsters at businessmen dito kahit umaga na. Kahit anong oras pa!









Kinuha ko ang handbag ko at hinalungkat ang mga gamit ng pinaglalagay ko doon. Geez! Mabuti na lang at sumali ako ng boy-este girl scout! Laging handa! Pfft!







Mas sanay akong gamitin ang term na boy's kasi iyon ang palaging nagagamit tuwing bumibisita ako sa kampo ng mga militar noong nasa totoong katawan ko pa ako. Tsk! Himala at naalala ko iyon!











Pagkakita ng veil ay mabilis ko din iyong isinuot. Pinalitan ko ang hairstyle ko at ipinusod na lamang ang buhok ko. Isinuot ko ang spare clothes na kinuha ko. A black leather jacket, stretchable black pants and a combat boots.










Tinanggal ko ang butones ng suot kong polo at isinuot ang jacket. May bralette naman ako underneath kaya ayos lang. Maging ang skirt at heels ko ay pinalitan ko ng pantalon at combat boots.










Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon