CHAPTER 7

1.7K 60 5
                                    

Tulad ng nakasanayan ko sa Earth ay maaga akong nagising at ginawa ang morning routine ko.

Ngayong araw na ang araw ng libing ni Rainelle at ngayon na din magsisimula ang plano ko. Natapos ko na ang pinakaimportante kong misyon kaya kailangan ko ng isunod ang mga plano ko dahil maya-maya lang ay may dadating na namang problema.

Nagsuot ako ng black long sleeve dress na abot hanggang tuhod ko.

Hindi ako gumamit ng kolorete at nag-gloves na lang ng kulay itim. Lumabas ako ng kwarto at naglakad papuntang ibaba.

Walang mga maids na nagkalat sa paligid.

Siguro ay nandoon sila sa labas ng bahay para sa libing ni Rainelle.

Hindi na ako pumunta ng dining room at dumiretso ako palabas.

Paglabas ko palang ay marami ng mga tao ang nakalinya. Dito din sa labas ng mansyon ililibing si Rainelle. May tomb na pinagawa ang mga Evictrium na magsisilbing libingan niya sa malawak na bakuran ng mansyon.

Hmm........

Hindi na ako nag abala na lumapit pa sa kabaong ni Rainelle at pinanood ko nalang sila na ihatid siya sa kanyang huling himalayan. Nakatayo ako habang nakasunod ang mga tingin sa kabaong niya.

Rest for now, Rainelle!

Pagkatapos mailibing ni Rainelle ay nagsimula ng magpaalam at magsi-alisan ang mga tao. Medyo nagkaroon din ng kakaibang atmospera ang paligid.

May mga taong napapatingin pa sa gawi ko. Yung iba ay magugulat at maya-maya'y biglang manginginig at manlalaki ang mga mata.

It's out, already?

Dahil sa pag-iisip ay di ko na namalayan ang paligid ko. Nabalik din naman agad ako sa huwisyo ng maramdaman ang mga nakamamatay na tingin mula sa isang direksyon.

W-what? Deadly gazes?

Inilibot ko ang paningin ko at napa-ikot ang mga mata ko sa isipan ng makitang galing ang mga tingin sa pamilyang Evictrium na nakatayo sa may di kalayuan sa akin.

Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa ako bumulagta...geez!

"We whole heartedly show our symphatize for you all. It must've been hard losing a child like her."

One of the guests said before she bid her goodbye to us. I even supressed myself from smacking her for her hidden mockery while gazing at me.

Whoo! Be patient, Veranell! Time would come for that!

After the last visitor left a maid servant approached me saying my family is calling for me. I notice the slight trembling of the servant.

Maybe! She became afraid of my presence after I threatened them.

But I need to threaten them. The perfect plan is to build my authority in this house until I execute my plan. I need to have the servants under my command.

Hindi nalang ako nagsalita at pinauna ang maid para ituro kung nasaan ang mga Evictrium.

Ano na naman kaya ang problema? Kahapon lang ako naka-transmigrate dito tapos may gulo na?! Damn!

"What is it?"

Malamig ang boses na tanong ko sa maid ng kanina pa ako naiirita sa mga side glances niya. Nang magkasubong naman kami ng tingin ay agad siyang umiwas at yumuko.

Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon