"Madam, we're already there." Saad ni Dahlia habang nagmamaneho. Madali naman kasi siyang nakakuha ng appointment para kausapin ang sinasabi niyang magaling na mananahi.
Tumango na lang ako saka sinandal ang ulo sa headrest. Nakakainis ba naman kasi at kulang pa ang tulog ko dahil halos manatili akong gising buong magdamag para lang matapos ang trabahong iyon. Yawa!
Mabuti nalang talaga at hindi ako nagkaroon ng malalaking eyebags! Sheems! Edi nagmukha na akong panda....cute na panda! Bwahahaha!
Inihinto na ni Dahlia ang kotse sa gilid. Tumingin naman ako sa bintana at napakunot ang noo dahil medyo walang mga bahay sa paligid. Karamihan pa ay malalaki at matatayog na puno. Geez! Wala naman sigurong pinaplanong masama si Dahlia no?
"Let's go, Madam." Tumango ako at bumaba ng kotse pagkatapos akong pagbuksan ni Dahlia ng pinto. Malakas ang simoy ng hangin kaya humigpit ang hawak ko sa fur coat ba suot ko.
Maya-maya'y nakaramdam ako ng mali sa paligid. May mga ingay din na nanggagaling sa gilid-gilid lang. Parang nagkukubli sa mga dahon at puno. Mas naging alerto ako saka malamig na nagwika.
"Dahlia, you're not into something, are you?"
Napabaling sa akin si Dahlia na nakakunot ang noo. "What are you talking about, Madam?" Nagtatakang tanong niya.
"Why are we in this place then?" Nanghihinala kung sambit habang nakasunod sa likuran niya. Mukhang na-gets naman niya ang gusto kong iparating. Huminto ito saka ngumiti.
"Are you doubting me, Madam?" Nanghihinayang na saad niya, hindi naman ako umimik at diretso lang akong nakatingin sa kanya.
"Hindi ba't sabi mo ay dalhin kita sa isang magaling na mananahi, Madam? Yun naman ang ginagawa ko." Katwiran niya, napabuntong-hininga ako saka tumango na lamang.
Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto si Dahlia. Napahinto na din ako saka napatingin uli sa paligid. Dang! Lutang na naman ako! Sheesh!
"There" Sambit ni Dahlia habang nakaturo ang mga kamay sa isang direksyon. Napatingin naman ako doon saka napapikit at ngumiti ng maliit. Geez! Pinagdudahan ko pa si Dahlia!
"My friends house is quite hidden. Especially her shop since it's just small. Hindi din naman ganoon kasikat at kilala ang mga gawa niya." Paliwanag ni Dahlia sa gilid ko. Lumapit kami sa maliit na botique.
Si Dahlia na ang kumatok, bumukas naman agad ito at bumungad agad sa amin ang isang payat at may katangkarang babae.
Nakapusod ang mahaba at kulay tsokolate niyang buhok maging ang kanyang mga matang ka-kulay din ng tsokolate. Well, she's pretty!
"Goodmorning" bati nito pagkakita sa akin. Nagtataka pa ito ngunit ng tumingin sa aking gilid ay nanlaki ang kanyang mga mata at napasigaw.
"Dahlia?!" Geez! Muntik na akong mabingi doon ah! Sheems!
Agad itong lumapit kay Dahlia at nagyakapan ang dalawa sa harapan ko pa mismo. Friendly hug lang naman!
BINABASA MO ANG
Being Her [On-going]
RandomVeranell Laxinne, the well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her with a life of luxury and popularity. However, Veranell's life takes a dramatic turn when a tragic eve...