CHAPTER 44

545 42 6
                                    

Ravenese's POV

Limang araw ang nakalipas, naging maayos naman ang lahat. Walang male leads na nang-aabala, maliban na lang talaga sa dalawang bruhilda dito sa mansyon.





Nakakairita at nakakasira ng araw kung minsan. Geez! Mabuti na lang talaga at mahaba ang pasensya ko. Isa pa, palagi din akong nasa loob ng kwarto o di kaya ay nasa labas at nagliliwaliw.







Nasimula na ang konstruksyon ng orphanage. Nasa dulo iyon ng lungsod, pero tiniyak kung malayo sa underground arena. Maayos naman ang progreso. In addition, pati na din ang konstruksyon sa boutique ay nagsimula at si Dahlia ang kasalukuyang nagma-manage.







Alas nuwebe pa lang ng umaga at nakasakay ako sa kotse pabalik ng mansyon. Kasama ko na sina Elle at SXM dahil ngayon ko sila balak ipasok sa mansyon. Wala kasi akong naging oras noong mga nakaraang araw at maging sila din ay may inaasikaso.








Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating din kami ng mansyon. Naunang bumaba si SXM para pagbuksan kami ng pinto ni Elle. Si Elle ang naunang bumaba at ako ang nahuli.







"Let's go." Seryosong saad ko at naunang naglakad papasok ng mansyon. "Where's the Lord?" Tanong ko sa headmaid ng may pekeng maliit na ngiti sa aking labi. "He is in his office, m'lady." Magalang na tugon ng headmaid na siyang tinanguan ko.






Nakita kong nagtataka pa siya dahil sa mga kasama ko. Nagsimula na kaming umakyat ng third floor. Pero rinig na rinig pa namin ang impit na tilian ng mga katulong. Alam ko naman kung bakit. Dahil kay SXM. Geez! Gwapo ba naman ang kasama kong ito!






I side-eyed him. Nakakagulat pa nga ang reaksyon ni Elle dahil napahagikhik ito at nang-aasar na tinignan si SXM. Pero napataas din ang kilay ko ng bigyan ako ng nang-aasar na tingin ni Elle. Ayan na naman siya!






Napailing na lang ako. Nasa hallway na kami ng third floor ng dumating si Butler George. "I'll lead the way to the Lord's office, m'lady." Saad niya at naunang naglakad. I shrugged.







Si Butler George ang kumatok at ng pinto ng nasa harapan na kami ng opisina. "M'lord. Lady Ravenese is here." Turan ng butler. "Let her in." Ang malamig at malalim na boses niya ang narinig ko mula sa loob ng opisina. Nagpasalamat pa ako kay Butler George bago pumasok kasama ang dalawa.








My eyes caught the Lord of the House busy, reading the piles of papers in his table. "Pleasant morning, M'lord." Saglit itong nag-angat ng tingin para tignan ako. Sinuri din niya ang dalawang nasa likod ko at saka muling ibinalik ang tingin sa mga papeles na hawak.







"What do you need, Anasha?" My lips twitched when I heard him called my first name. Pero hindi ko na lang ito pinansin at nagsalita. "I brought Elle, father. The one who helped me, I'm planning to take her as my personal attendant." I calmly stated.







Bumati si Elle sa kanya. Inilapag naman ni Lord Thomas ang hawak na mga papeles at tumingin na sa amin. "Ok. How about him?" Saad niya na ang tinutukoy ay si SXM. Kanina pa ito tahimik at seryoso lang na nakipagtitigan kay Lord Thomas.







Sa tingin pa lang na ipinupukol ni Lord Thomas kay SXM ay alam ko ng sinisiyasat at inoobserbahan niya ang lalaki. Magsasalita na sana ako pero si SXM na ang nagsalita. "I greet the Lord Evictrium. I am Sximon. I came here to work as the lady's personal guard." Tugon niya sa seryosong tono. Maging ang postura at aura niya ay talagang kakikitaan ng kaseryosohan.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon