CHAPTER 28

1K 45 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

Malalim na ang gabi. Tahimik na pinihit ng isang babae ang seradura ng pinto. Maingat naman niya itong isinara pagkatapos.

Nang makita ang hinahanap ay bumuntong-hininga siya. Payapang nakahiga sa malambot na kama ang magandang babae. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito.

Dahan-dahang naglakad palapit ang babae sa taong nakahiga sa kama. Inilabas niya ang syringe na kanina pa niya itinatago sa bulsa.

She carefully took the lying woman hand. Agad niyang itinurok ang syringe sa kamay ng dalaga para kumuha ng dugo nito.

Nang mapuno na ay pinunasan niya ang dugo sa kamay ng babae at inayos ito sa dati. Ibinulsa niya ang syringe at dali-daling umalis ng kwarto.

Pagkaalis nito ay siya namang pagdilat ng babaeng nakahiga sa kama. Tumingin ito sa pinto bagp ngumisi ng nakakakilabot.
_______________________________________

Anasha's POV

*Knock! *Knock!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa pintuan para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

Pagbukas ko ay mukha na ni butler George ang nakita ko. Seryoso itong nakatingin sa akin saka yumuko.

"Good morning, m'lady. Breakfast is ready." Tumango ako at sumunod sa kanya ng mag-umpisa na itong maglakad papuntang dining area.

Hindi ako nagsasalita dahil wala naman akong sasabihin. Isa pa, hindi kami close ng butler na 'to.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating kami ng dining hall.

Pagpasok ko pa lang ay naagaw na agad ng nakahilerang mga pagkain atensyon ko. Doon lang ako nakatingin ng may tumikhim.

Nang tignan ko iyon ay walang iba kubg hindi si Francise. Nakangidi ito sa akin habang si Larrisa naman ay tahimik lang.

Naglakadna ako papunta sa kanang bahagi ng upuan ni mom. Bilang panganay na babae ay dapat lang na doon ako maupo.

Ang Lord of the House ang nasa head chair, nasa kanan niya ang Madam. Sa kaliwa ay ang puwesto ng panganay na anak na lalaki at ang ikalawa.

Sumunod sa dalawang lalaki ang mga anak na babae maliban sa panganay dahil sa tabi ito ng ina uupo.

(Note: Ayon sa judgement ko po ito.)

Wala sina Riley at Rhen dahil may pinuntahan. Si Lord Thomas naman ay may pinuntahan din kaya kaming mga babae na lang ang nasa hapag-kainan.

Tahimik naming sinimulan ang pagkain ng biglang magsalita ang isa sa mga bruha, si Larrisa. Papansin talaga o!

Pati ba naman sa hapag-kainan ay hindi ako patatahimikin ng mga bruha!

"Uhmm...t-tita, k-kailan po tayo bibili ng gown n-namin para sa g-gathering?" Nahihiyang wika pa niya. Napatigil naman si Lady Seraphina aka mom sa pagkain.

Tumingin siya kay Larrisa na biglang natahimik din. Seryoso siyang nakatingin dito kaya hindi maiwasan ni Larrisa ang mailing. Tahimik lang naman si Francise sa gilid.

Sandali lamang ay nag-iba ang ekspresyon ni mom at biglang ngumiti. Bipolar din pala. Tsk!

"Don't worry about it. The family's seamstress will arrive later." Pilit tumango at ngumiti si Larrisa.

Hindi nga pala hustong nakakaintindi ang bruha ng English. Kakasimula kasi ng lesson nila sa subject na iyon. Parang bumalik sa elementarya. *Laughs!

Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon