CHAPTER 47

780 39 7
                                    

AND SURPRISES!

ENJOY READING :)

Ravenese's POV


"Are you okay, m'lady?" Bigla akong napatingin kay Clarisse ng marinig ko ang boses niya. Malumanay akong ngumiti at tumango. Kasalukuyan ako ngayong nakasakay sa transportasyon nila, katabi siya.






Medyo hindi kasi ako makapag-pokus sa pagmamaneho  dahil sa sinabi ni Mother Superior. Kung kaya't ang lalaking nakisakay na lang ang nagmaneho. Pang-huling destinasyon na din kasi namin.








Hindi din ako sumakay doon sa kotse ko dahil ayoko muna siyang maka-usap. Iba ang trip ng mokong na iyon e!






"I'm fine." Tanging sagot ko kay Clarisse. "Is something bothering you, m'lady? Did the Mother Superior said something wrong?" Seryosong tanong niya. There was worry in her tone. I smiled a bit. "Nothing. She said none. I was just....tired?" I replied, unsure of what to say.






Alam kung napansin niyang wala akong ganang makipag-usap. Dahil doon ay hindi na siya nagtanong pa at tumahimik na lamang. Isinandig ko na lamang ang ulo ko sa head rest ng upuan at inalala ang nangyari kanina.






Tatanungin ko sana ang Mother Superior tungkol sa mga sinasabi niya pero bigla silang may pinag-usapan ni Clarisse. Pagkatapos noon ay tumango ang Mother Superior at umalis para daw puntahan ang mga kasamahan niya.







Hindi na ako nag-obserba dahil nawala ang atensyon ko doon. Hanggang sa matapos ang campaign. Nang inaya ako ni Clarisse na sumabay sa kanila ay hindi na ako tumanggi. Pareho din naman kami ng pupuntahan.









Sa huli ay di ko napansing naka-idlip ako. Naalimpungatan na lamang ako ng marinig ang boses ng mga estudyante. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang isang napakalawak na paligid. Nakatayo ang isang matayog at malaking charity building. May orphanage din sa gilid nito. May mga batang naglalaro sa paligid.








Nagsisibabaan na ang mga estudyante. Sinasalubong naman sila ng mga bata at malayang nakikipag-usap sa mga ito na para bang matagal na silang magkakilala. Inayos ko ang itsura ko at bumaba na din ng kotse. I stood beside the director.





"Are you fine now, m'lady?" He asked. Tumango ako bilang sagot. "Maybe I'm just sleepy." Nagbibiro kung wika at saglit na natawa mg mahina. "That's good to hear." Masayang sagot niya.








"Does the student and the kids knew each other?" Bigla kong tanong dahil na din sa obserbasyon ko. "Yes, medyo madalas kasing magpunta ang mga estudyante dito tuwing may campaign kaya pamilyar sa kanila ang mga bata." Paliwanag niya na sinang-ayunan ko dahil talagang mapapansin na close sila sa mga bata.






"Let's go." Saad ni direktor. Nauna siyang maglakad kaya't sumunod na ako. Sa malawak na court ginanap ang lecture. Active na active pa ang mga bata sa mga palaro. Nakakatuwang pagmasdan habang nandito ako sa third floor ng orphanage building. Napag-gigitnaan kasi ng orphanage at ng charity office court. Rinig na rinig pa ang masigla nilang sigawan.






Umalis na ako doon sa pwesto ko at napagdesisyunang maglakad-lakad sa buong paligid. Maaayos ang mga kwarto ng mga bata. Maging ang mga bawat kwarto at ang pagtrato sa kanila. Kompletong naibibigay ang mga kailangan nila.






Isa iyon sa nakakabilib din dito sa loob ng nobela. Maaayos ang trato bawat bahay-ampunan. Siguro ay dahil na din sa impluwensya ng mga nagpatayo at founder ng bawa't orphanages. Palaging may malalakas at mayayamang backer na handang tumulong sa kanila.







Being Her [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon