Nalulungkot ako.
Pakiramdam ko may kulang sa buhay ko.
Hindi boyfriend. Masyado na akong natrauma sa gunggong kong ex. Di ako magboboyfriend kaya malabo pa sa Ilog Pasig na mag-asawa ako.
Ayaw ko din mag-isa. Nakakatakot yung gigising ka sa araw-araw na parang walang dahilan ang araw mo.
Gusto ko ng makakasama. Yung magbibigay ng dahilan sa akin para mabuhay pa. Yung kukumpleto sa buhay ko. Isa lang ang nasa isip ko.
Anak.
Yung tatawagin akong Mommy. Yung magiging dahilan ng pagngiti ko sa paggising ko. Yung magpapasaya sa akin. Yung magkakasama ko. Yung aalagaan ako hanggang pagtanda ko. Yung mamahalin ako ng buong buo at mamahalin ko din ng lubos.
Pero paano matutupad yun kung ayaw ko nga ng lalaki sa buhay ko.
Hmmmmmm...
*Ting*
Alam ko na.
Anong ginagawa nun kung hindi ko pupuntahan?
Ano pa ba? Eh di...*wide smirk*
Sperm Bank.
~~~~*
-M
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...