Finding thirty two

4.7K 162 18
                                    

Dedicated to: RealmOfPossibilities

Yo! Super nag-enjoy talaga ako sa Contained. I was able to conquer(somehow. LOL.) my fear of horror. Salamat sa magagandang feedbacks at floodvotes dito. I'm glad na ikaw ang naging partner ko sa book club! (^__--)

-M

PS. Guys basahin niyo yung Contained. Ang ganda niyang horror story. Takot ako sa horror pero nabasa at nag-enjoy ako kaya basahin niyo na din. (^__^)

------------/ /------------

---° Neo's POV


"Pwede bang manligaw?" seryosong tanong ko. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nito.


"Ha?" mula sa pagkagulat ay napilitan yun nang takot... pangamba... sakit at... pait. 


"Ahh Dory---"


"Ahh!" biglang napahawak ito sa tiyan nito. Agad naman akong naalarma at dinaluhan ito. 


"O-okay ka lang Dory? Teka malapit na tayo sa baba!" medyo nagpapanic kong sabi. Naramdaman ko naman ang haplos nito sa pisngi ko.


"Okay lang ako Nemo. Medyo malaki na talaga siya at nakakaramdam lang ako ng contractions. Siguro dahil kabuwanan ko na din." tipid na ngumiti ito. Napatango naman ako. Tumabi ako dito.


"Okay Dory... inhale... exhale." sabi ko at ginawa naman nito. Mabuti na lang at medyo kumalma na ito nang makababa kami.


"Sigurado ka ba Dory? Baka may masakit pa sa'yo." nag-aalalang tanong ko dito. Umiling naman ako.


"Okay nga lang ako. Siguro pagod na lang ako. Pwede bang umuwi na tayo?" agad na tumango ako dito.


"Oo naman. Kung pagod na kayo... dapat umuwi na tayo para makapagpahinga ka na. Saka gabi na din naman. Mahaba pa biyahe natin." Inalalayan ko ito hanggnag sa paglabas at hanggang sa pagsakay sa sasakyan. Nang makasakay naman kami at nagbibiyahe na... ilang minuto lang ay nakita ko na mahimbing na ang tulog nito. Mukhang pagod nga ito. Gumilid muna ako saglit at inayos ang posisyon nito. Nilagyan ko din ito ng kumot at unan. Nang masiguro ko na komportable na ito ay saka ako nagmaneho.



Napaisip naman ako. Kung sakali na hindi sumakit ang tummy niya... may maisasagot ba sa akin si Dory? Bibigyan niya ba ng chance ang panliligaw ko? May pag-asa ba ako na maging kami?



Pero hindi ba sapat na sagot ang ekspresyon na pinakita nito kanina? Kita ko ang takot at pangamba dito. Pero mas bumalatay ang sakit at pait dito.



"Hais." napabuntong hininga ako. Mukhang wrong timing ang pagtanong ko. Nakalimutan ko na kabuwanan na nga pala nito. Mas prone ito sa stress kaya dapat iiwas ko ito dito. Siguro pag lumabas na lang si Baby. Pero magiging busy na siya.




At magiging busy na nga din pala ako nun. Lalabas na din panigurado any moment ang anak ko.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon