Dedicated to: bhebeluv
Since hindi ko matag. Maraming salamat sa mga flood votes mo!
-M
------------------------------/ /---------------------------
% Dory's POV
Nag-aayos na ako ng sarili ko at mga dadalhin ko ng may marinig ko na may nagdodoorbell. Napakunot naman ang noo ko. Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa may bintana. Nakita ko na nasa labas si Nemo. May hawak na supot. Napangiti ako. Mukhang alam ko na ang dala-dala nito.
Agad kong binuksan ang pinto. "Nemo!" masayang bati ko dito.
"Hello Dory! Pasalubong!" at itinaas ang dala-dala nitong supot. "Hulaan mo?"
Umakto ako na nag-iisip. "Alam ko na!" nakangiting sabi ko dito.
"Talaga? Sige sabay nga tayo!"
"Kwek-kwek!" sabay nasabi namin at pareho kaming tumawa.
"Ang galing, ha? Alam na alam mo na!"
"Oo naman. Ipapaalam ko lang sa'yo na puti ang plastic mo at orange ang kwek-kwek." tinignan naman nito ang plastic. Napatawa ito ng makitang kitang kita naman.
"Sabi ko nga."
"Pasok ka Nemo." at pumasok naman ito. "Gusto mong kape?"
"Sure. Thank you." pinagtimpla ko naman ito. Inabot ko dito ng maitimpla ito. Agad naman tinanggap nito iyon.
"Napadalaw ka naman."
"Ahh. Oo. Gusto ko lang alamin kung okay lang kayo. Saka mamaya nakatuna ka na naman."
"Grabe ka naman. Naka corned beef ako ngayon. Ginisa ko yun." proud kong sabi. Tumango-tango naman ito.
"Mabuti naman kung ganun. Natututo ka na kahit pakonti-konti."
"Talaga!" super proud ako sa sarili ko. Achievement din yun. Nakapaggisa ako!
Tinignan naman ni Nemo ang suot ko. "Sabado ngayon ha. May lakad ka? Bihis na bihis ka ngayon eh."
Napangiti ako. "Oo. Check-up ko ngayon. Ngayon ko malalaman ang gender ni baby." at hinimas ko ang tiyan ko.
"Talaga? Anong oras?"
"Actually maya-maya. Lalabas na din ako."
"Ganun ba? Hatid na kita." alok nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/42569166-288-k693600.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...