Dedicated to: insidejewel
Hello (^__^)/ Maraming thank you sa pagvote lagi dito. Thank you ulit! (^__^)v
-M
------------/ /----------
% Dory's POV
Nang makarating ako sa bahay ay agad na hinagis ko sa sofa yung bag ko at nagtungo sa ref para kunin yung ice cream na binili ko. Pagkakuha ko ay agad na kumuha ako ng kutsara at nagmartsa papunta sa sala at umupo sa sofa. Nilantakan ko yung ice cream.
Naasar ako. As in. Hindi ko alam bakit.
"Don't worry Girlie. I love you, okay?"
Marahas naman akong napailing. Pero nahilo lang ako kakailing dahil paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang narinig ko.
At hindi ko na namalayan. Hinawakan ko ang pisngi ko. Basa. My tears filled my eyes and I'm crying. Really hard. It hurts.
It really hurts.
Umiiyak ako habang kinakain ko yung ice cream ko. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng tummy ko. Agad na tumigil ako sa pagkain at sumisinghot-singhot na hinimas ko ang tiyan ko.
"Sorry baby. Sorry at nararamdaman mo to. Okay lang ako. Ni hindi ko nga alam bakit ako umiiyak eh." kausap ko sa baby ko. "Parte ba ng hormones to? Pero hindi naman ako iiyak kung hindi ako nasaktan eh. Pero bakit naman ako masasaktan? Wala naman dahilan eh." atungal ko habang hinihimas ko ang tiyan ko.
Nakatanggap naman ako ng text. Tinignan ko ito at nakita ko na galing kay Nemo.
Nemo:
Where are you Dory?
Sasagutin ko ba? Pero nababadtrip pa din ako eh. Umiiyak at nasasaktan pa din ako. Pero dapat ko itong sagutin kasi iniwan ko ng walang paalam ito doon. Kaya wala akong choice kundi magreply dito.
Me:
House.
Yan lang ang sinabi ko. Naasar ako kaya in-on ko na lang ulit ang TV at tinuloy yung last ep na pinanood ko.
"Manonood na lang ako." naiiyak pa din na sabi ko at nanood na lang at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
--------
---° Neo's POV
<3 Dory:
House.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...