Maraming salamats sa mga feedbacks at vote nito sa booklat, xian ;)
--------------------------/ /-------------------------
% Dory's POV
Agad akong pumunta kay Agnes pagkatapos ng trabaho ko. Nang pagdoorbell ko ay ang katulong nila ang nagbukas sa akin. Nang makita ako nito ay agad akong pinapasok at tumuloy naman ako sa loob. Naabutan kong kumakain si Agnes at nanonood ng tv.
"Oh napadalaw ka. Namiss mo agad ang kagandahan ko noh?" nakangiting sabi nito. Iningusan ko lang ito at umupo sa tabi nito.
"Ano yan?" tanong ko sa kinakain nito. Di ko kasi maintindihan kung ano yun base sa itsura nun.
"Peanut butter."
Kumunot ang noo ko. "Peanut butter?" tanong ko pa dito. "Bakit masyadong dark ata yan? Saka may pula pula ba yan?"
"Ahh. Yun ba. Nilagyan ko ng toyo. saka chili powder. Masarap eh." sabi nito tapos sumandok pa ito at sabay subo. "Yum. Yum." sarap na sarap na sabi nito samantalang masusuka na ako sa kinakain nito.
"Don't tell me yan ang pinaglilihian mo? Ewwness lang ha." nandidiri kong sabi ko dito. Sumimangot naman ito.
"Sinasabi mo bang hindi masarap ito?" iritang sabi nito. Oops. Bawal nga palang mastress to kaya kahit labag sa loob ko umayon ako dito.
"M-m-masarap nga yan. Sabi mo eh." pagsisinungaling ko.
Nagliwanag naman bigla ang mukha nito. "Talaga?" tanong nito. Tumango naman ako. "Sabi mo yan ha." Sumandok ito ng isang kutsara. "Tikman mo." nakangiting sabi nito. Napalunok ako. Peanut butter with soy sauce plus chili powder? Pangalan pa lang masusuka ka na.
"Uhmm..." napalunok ako. "Busog pa ako eh." atubili kong sabi dito. Tinignan ako ng malungkot nito. Tapos mukhang maiiyak na ito. Oh no! "Okay. Okay. Kakain na ako." bumuntong hininga ako at nakita ko na ngumiti ito. Kinuha ko ang kutsara nito na may peanut butter daw. Lumunok muna ako. "Kung sakali man na may nangyari sa akin pagkatapos nito, ililista ko sa pangalan ng asawa mo ang hospital bills ko." naiiling kong sabi dito sabay kain ng peanut butter daw. Ngumuya ako ng konti. Tinignan ako ni Agnes at pilit na ngumiti dito. Nang nakita kong mukhang kontento na ito at alam kong hindi ko na kaya.
"A-agnes..." nahihhirapang kong tawag dito. "K-kuha lang ako ng tubig. Medyo nauhaw kasi ako eh." sabi ko dito at tumango ito sa akin. Nang tumayo ako ay mabilis akong nagtungo sa banyo at doon ko niluwa yung peanut butter kuno na nilagay ko sa ilalim ng dila ko.
*blaaarrrrggggghh*
Matapos kong isuka ay agad kong kinuha yung mouthwash at nagmumog. Tinagalan ko sa bibig ko at nag makuntento ako ay saka ko niluwa. Grabe. Hindi ko maipaliwanag kung anong pagkain---o pagkain pa nga ba yun kung matatawag. Tapos sasabihin ni Agnes ang sarap sarap? Napailing ako at hinilamusan ang sarili ko. Bumalik na din ako pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
Чиклит% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...