Dedicated to: JhoLheen
Maraming salamat talaga sa supporta Jholeen! Belated Merry Christmas and happy New Year!!!
-M
---------------/ / --------------
---° Neo's POV
Sasapakin ko talaga agad yung dalawa pag nakita ko. Kung ano-ano kasi ag tinuturo kay Dory. Kasalukuyan pala akong naglilinis ng mga kalat sa bahay ni Dory. Naitapon ko na ang mga balat ng chips. Pati mga juices nito. Nakapagwalis na din ako at niligpitan ko na din ang ligpitin. Ang sipag ko noh?
"Ang galing talaga ni Naruto noh? Mas gusto ko talaga siya kesa kay Sasuke." manghang sabi ni Dory habang nanonood pa din ng Naruto.
Tinignan ko naman si Dory na seryosong nanonood kay Naruto. "Actually... hindi pa ako nakakapanood ng Naruto eh."
"Ayy hindi pa? Kawawa ka naman." pang-aasar nito sa akin. Napasimangot naman ako.
"Pasensya ha? Busy kasi ako noong nag-aaral ako. Ang hirap kaya na architecture na course."
"Oo na. Oo na. Mahirap naman talaga yun." sabi nito sa akin at humarap ulit sa TV. "Ayyyy... crush ko na si Naruto!" kinikilig na sabi nito.
Napanganga naman ako. Hindi pwede! Hindi pwede!
Nilagay ko naman sa tabi yung walis at tumabi dito. "Sabi ko nga manonood ako eh." Syempre... sabi nga nila... keep your friends close. And your enemies closer. Langhiya naman oh. Sa isang 2D character pa karibal ko? Nanood na din ako. Kakasimula pa lang naman ni Dory kaya kinuwento na lang niya yung umpisa. Ano bang maganda dito? Seryoso na akong nakatutok dito.
"Woah! Ang galing pala niya pag nakontrol na niya sana yung tailed beast niya. Kaso hindi pa. Pero nanalo siya kesa kay Neiji." komento. Ang palabas ngayon ay yung laban nina Nauto at Neiji sa Chuunin Exam. Anak ng! Humanga pa ako sa karibal ko!
"Oo nga eh. Mas gusto ko pa si Neiji kesa kay Sasuke. Masyadong pachics eh!" nayayamot na sabi nit Dory. "Buti pa si Naruto... friendly lang."
"Oo nga eh." Teka. Teka Neo. Aba kumilos ka naman.
"Uhmm... Dory." tawag ko dito.
"Hmm?" sagot lang nito habang nanonood pa din.
"Gusto mong kumain? Sa labas?"
"Ha?" tumingin naman ito sa akin.
"Libre ko. Mall tayo!" aya ko pa. Sige na um-oo ka na please.
"Ayaw ko. Thank you na lang. Kakakain ko lang din kasi. Saka mas gusto ko si Naruto eh." at binalik ang tingin sa TV. Humarap naman ako sa gilid ko at pasimple hinawakan ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...