Dedicated to: kutingTheCat
Thank you so much sa pagvote dito palagi. Sana nag-eenjoy ka. (^__^)/
-M
--------------------/ /------------------------
---° Neo's POV
"Anong gusto mong hapunan, Dory?" tanong ko kay Dory. Kasalukuyan kaming nasa kusina ngayon. Medyo late na din pero hindi pa din kami dapat magpalipas.Kung ako lang okay lang kahit itulog ko na lang yung biyahe kanina. Pero kasama ko si Dory. Hindi sila pwedeng malipasan ni baby.
"Kahit ano na lang Nemo. Tutal, lahat naman ng luto mo, masarap." nakangiting puri nito. Aww. Natouch naman ako dun.
Seryoso Neo? May aww pa talaga?
"Sige. Magsisigang na lang ako para may sabaw." sabi ko. Mabuti na lang at may stock ako dito kaya pwede akong magluto. Meron din kasing mga staff dito sa Il Paradiso na nagmamaintain kung okay pa ba or expired na ang mga stock namin at sila na nagtatanggal kung expired na tapos iinform na lang kami. Meron din na naglilinis at nag-aayos ng bahay. Depende sa may-ari kung aagree sila sa service o sila mismo maglilinis. Pero dahil madalas na walang tao at abala din... madalas na naghohouse cleaning na lang.
"Wow. Masarap yan. Sige antayin na lang kita dito." sabi nito at naghalumbabang nanonood sa akin sa may stool. Naghihiwa naman na ako ng isasahog ko. Pero medyo nakakaramdam ako ng ilang. Paano ramdam na ramdam ko ang panonood ni Dory sa akin.
"Uhmm... Dory... baka hindi ka okay dyan. Kung gusto mo doon ka muna sa sala. Tatawagin na lang kita pag natapos na ako." sabi ko dito. Umiling naman ito.
"Okay lang ako dito Nemo." Ako hindi. Naiilang ako. "Baka kasi hindi ka kumportable." dagdag ko pa.
"Okay nga lang ako. Ang kulit mo din. Gusto din kitang panoorin."
"Ganun ba? Sigurado ka?" tumango lang ito. Tinuloy ko ang ginagawa ko. "Bakit ba gusto mo akong panoorin?"
"Ahhh... kasi naalala ko ang tatay ko. Magaling din kasi magluto yun. Sa kasamaang palad... nagmana ako sa nanay ko. Pareho kaming hindi marunong magluto." kwento nito. Napatango ako.
"Canned tuna at sardines lang din siya?" pang-aasar ko. Napasimangot ito.
"Hindi. Pero pareho kami na sa isda." Napakunot noo naman ako.
"Ano?"
"Tuyo. Tinapa. Daing." napatawa naman ako dito.
"Pareho nga kayo. Pero at least, ang nanay mo, nagluluto. Sa'yo instant talaga." agad na sumimangot ito.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...