HINDI na kami magkandaugaga ni Dory kung paano namin patatahanin si Naruto. Iyak kasi ng iyak ito sa hindi namin malaman na dahilan. Sinayaw, hinele, nilaro na namin pero tatahan lang saglit at iiyak na naman. Pagkadede naman nito ay tutulog lang saglit at pagkagising ay iiyak na naman. Kaya ngayong gabi hindi na talaga namin alam paano ito papatulugin.
"Nemo." tawag ni Dory sa akin. Nakabantay kami ngayon dito sa may crib niya.
"Hmm?"
"Anong problema kaya ni Naruto? Nag-aalala na ako." sabi ni Dory na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Agad naman na lumapit ako dito at niyakap ito.
"Wag kang mag-alala. Magiging okay din siya."
"Ehh iyak siya ng iyak. Hindi na nga natin alam kung paano natin siya papatahanin eh." balisa na sabi nito. Napaisip naman ako.
Paano nga namin siya mapapatahan?
"Wag na muna natin isipin yan. Tulog naman si Naruto ngayon. Matulog na muna tayo at ng makabawi man lang. Ilang araw na din tayong puyat." aya ko dito. Tumango naman ito at pumunta na kami sa kwarto namin at natulog na. Pero hindi pa kami gaanong nakakatagal ay umiyak na naman si Naruto. Agad kaming bumangon at pinuntahan ito. Kinarga naman ito ni Dory.
"Nemo... baka gutom. Pakitimplahan naman." sabi ni Dory habang karga-karga ito na agad ko naman sinunod. Pilit namin na pinadede ito pero nagwawala ito.
"Hala Nemo! Anong gagawin natin?" alalang-alala na sabi nito.
Sa totoo lang wala akong idea. First time kong magkababy. Hindi naman ako sanay sa bata. Hanggang sa may isang tao ako na naisip.
"Dory, wait lang ha? May tatawagan lang ako." sabi ko dito at tumango ito. Bumalik naman ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. Agad na nag-dial at matapos ang ilang ring ay sumagot ito.
"Hello?" inaantok pa na sabi nito.
"Hello, Pare, Eoin. Si Neo to. Pasensya na sa istorbo. Kailangan ko ng tulong mo."
"Ohh bakit? Madaling-araw na Neo. Kung naghahanap ka ng kainuman, dapat kanina pa."
"Hindi yun!" sabi ko.
"Ohh ano nga? Pakisabi na agad para makatulog na ako." at humikab pa ito.
Huminga ako ng malalim. "Kailangan ko ang golden voice mo." seryosong sabi ko. Tumahimik naman ang nasa kabilang linya.
"Talaga? As in talaga?" masigla na sabi nito.
Tumango naman ako. "Oo." seryosong sabi ko. "Iyak ng iyak si Naruto. Baka sakali na ikaw ang solusyon sa problema namin." sabi ko.
"Sige sige. Inom lang ako ng tubig." sabi nito at agad na pumunta ako sa kwarto ni Naruto na katabi lang sa kwarto namin. Pagpasok ko ay sinenyasan ko si Dory na ihiga na si Naruto kahit iyak pa ng iyak.
"Sino yan, Nemo?" tanong nito.
"Ang solusyon sa problema natin." seryosong sabi ko. Binalik ko ang attensyon ko sa telepono ko.
"Okay na Pare?" tanong nito.
"Oo. I-loudspeaker ko lang." sabi ko at nilapit kay Naruto ang telepono ko. Nakatingin lang kami at ilang saglit lang ay ngumawa---I mean kumanta na si Eoin.
"Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are!
Up above the world so high
Like a diamond in the sky
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are!"
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...