Finding twenty eight

5.1K 170 26
                                    

Dedicated to: JamjamGucila

JamJam! Belated man dito na lang din ako babati! HAPPY BIRTHDAY! Busy lang ako talaga ng mga nakaraan. Maraming thank you talaga sa supporta na binibigay mo. Tambay ka lang dito at welcome ka anytime! Enjoy! (^__^)v

-M

------------/ /-------------

% Dory's POV


Abala ako sa paglalaba ng mga damit ni Baby. Ilang buwan--- or rather weeks na lang kasi lalabas na si baby ko. Dapat maayos na yung mga gamit niya. Actually sobrang excited na nga ako eh. Nang matapos akong maglaba ay sinampay ko na din agad ito. Hinihilot hilot ko ang balakang ko pagkatapos kong maglaba at magsampay nang may naalala ako. 


Naalala ko yung eksena namin ni Nemo last time. Muntik na yun. Malapait na malapit na. Nung papalapit na yung mukha niya. Hindi ko alam pero...





Kusa akong pumikit. 



Yan ang nagpapalito sa akin ngayon. Bakit ako pumikit? Di ba dapat tinulak ko siya? Dapat umiwas ako. Pero hindi. Hinintay ko ito. 


May kutob ako na hindi na hormones ito. Pero sana hanggang kutob na lang ito kasi alam ko.



Hindi pwede.



Nang matapos ko na ang mga gagawin ko at umupo na lang ako sa sofa para magpahinga."Wala akong magawa. Natapos ko na ang mga papanoorin ko." wala na akong magawa. Naisipan ko naman na tawagan si Agnes. Siya na lang ang iistorbohin ko ngayon.


"Hello Agnes?" sabi ko ng matapos ang ilang ring.


"Dory! Pasensya ka na at hindi ko agad masagot. Busy ako kay baby Lukas eh. Pwede bang pumunta ka na lang dito?" sabi nito. Narinig ko naman ang pag-iyak ni Lukas.


"Sige sige. Pupunta na lang ako."


"Okay. See you." at tinapos na nito ang tawag. Naligo na lang ako at nagbihis. Nagtaxi na lang ako papunta dahil mahirap magbiyahe lalo na at malaki na ang tiyan ko. Nanag makarating ako ay nagbayad ako. Pagkatapos ay pinagbuksan na ako ng guwardiya nina Agnes at inalalayan akong bumaba. Nagpasalamat naman ako dito at dumiretso na sa baby's room. Nakita ko naman si Agnes na hindi magkandaugaga sa pagpapatahan kay Baby Lukas. Agad na lumapit ako dito.


"Oh bakit umiiyak ang inaanak ko?"


"Ayy kabayo ka Dory! Nakakagulat ka naman!"


"Wow ha! Look who's talking ha?" pang-aasar ko dito. Tumawa lang naman ito. 


"Sorry naman. Nakakagulat ka kasi."


Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon