Dedicated to: Innocentbaby0609
Hello! Maraming thank you talaga sa pagboto lagi dito! (^__^)v
----------/ /--------
%Dory's POV
Nakakaboring pala pag nasa bahay ka lalo na kung sanay ka na magtrabaho. Nakamaternity leave na kasi ako at nasa bahay lang ako. Nailinis ko na pwede linisin pero ayun... wala na akong magawa.
"Hmmm... ano na naman ang gagawin ko?"
Wala talaga akong maisip.
Nagulat naman ako na may nagdoorbell. Agad na tumayo ako at nagtungo sa may pinto. Pagkabukas ko ay nagulat ako kasi isang malaking malaking bouquet ng red roses ang nasa harap ko. Napakunot noo naman ako. Sisinghalan ko na sana yung tao ng ibaba nito ang bouquet. Nagulat naman ako ng makita ko si Nemo.
"Good morning Dory." nakangiting sabi nito. Umurong naman ako ng konti.
"Good morning din Nemo." bati ko dito at nakakunot noong tumingin sa bouquet.
"Dory."
"Oh?"
"Maganda ba itong bouquet?" tanong nito. Tumango ako. Maganda talaga siya at napakaganda ng pagkakaayos nito.
"Maganda. May pagbibigyan ka ba?"
"Kung ikaw ba makakatanggap nito... magugustuhan mo?"
Hmmm? "Oo." tapat na sabi ko. Ngumiti naman ito ng malaki at inabot sa akin ang bouquet.
"Red roses for you." at inabot sa akin ang mga flowers. Napanganga naman ako dito.
"For me?" di makapaniwalang tanong ko. Nakangiting tumango naman ito.
"Yep. For you."
"Hala! Anong meron? Hindi ko naman birthday." nagtatakang sabi ko.
He just shrugged. "Wala lang. Gusto ko lang na bigyan ka." at inaabot ulit sa akin ang flowers. Nagtataka man ako ay kukunin ko na sana nang---
"Ayy medyo mabigat pala to. Ayaw kong mahirapan ka kaya ako na magbubuhat. May vase ba dyan? Ilagay na lang natin." nakangiting sabi nito. Pumunta naman ako sa may sofa at sa gilid nun at may vase na matagal nang hindi nagagamit. Kailan ko ba ito huling nagamit? Years ago na din ata.
Okay wag ng isipin pa yun.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...