Finding twelve

6.4K 260 19
                                    

Dedicated to: Sushi


Laughtrip talaga ako sa usapan natin sushi...hahahaha...


------------------------/ /----------------------------


---° Neo's POV


"Hintayin lang kita dito Dory. Tapos hatid na kita sa bahay mo." sabi ko kay Dory. Kakalabas lang namin sa may clinic ni Luke at naglalakad kami sa may hallway. Tumango naman ito sa akin.


"Sige Nemo. Salamat. Kakausapin ko lang sina Agnes at Luke."


"Okay. Kunin ko na din yang mga gamit mo. Para wala ka ng bitbit."


Umiling naman ito. "Wag na Nemo. Nakakahiya. Magaan lang naman ang mga ito." tanggi pa nito. Pero kinuha ko pa din ang mga hawak nito.


"I insist. Sige na. Kausapin mo na sila. Tanghali na din para makauwi na at makapagtanghalian na kayo."


"Okay. Salamat Nemo." bumalik na ito at pumasok na sa clinic. Naiwan naman ako sa labas. Mabuti na lang at may mga upuan sa tabi at naupo na muna ako doon. Napatingin ako sa ultrasound pictures ng baby ni Dory. Marahan kong hinaplos ang picture.



Anak... ano din kaya ang gender mo? Boy ka din ba? Girl ka ba? Sana may picture ka din ng ultrasound mo... para makita ko din yung development mo nung nasa tiyan ka pa. Para kahit papaano makita ko ang paglaki mo na hindi ko nakikita ngayon. Ito yung picture ng future inaanak ko... kung makikita kita... ipapakilala kita sa kanya. Magiging friends din kayo...




Sana kasama kita ngayon... sana nakita ko mismo yung paggalaw mo sa tummy gaya ng nakita ko sa mismong ultrasound...




Mga naiisip ko habang hinahaplos ang picture. Napabuntong hininga ako. Ngayon ko lang napagtanto na napakalaki ng nawala sa akin. Isang pangyayari sa buhay ko at ng anak ko ang hindi namin naranasan na magkasama kami.



Sayang. Sayang na sayang.




On the other hand... masaya ako na naranasan ko ito. Masaya ako na makakita ng ganun. Pero nakakaramdam ako ng lungkot. Lungkot para sa tunay na ama nito. Dahil alam kong magiging ama na din ako... alam ko na sobra din ang panghihinayang na hindi niya ito mismo nakita.


Inaalala ko ang nakita ko. Speechless talaga ako sa ultrasound. Ganun pala yun. Kitang-kita ko yung paggalaw. Grabe... iba ang feeling. Ganun din kaya ako noong ipinagbubuntis pa ako ng nanay ko?



"Hmmm... matawagan nga mamaya..." sabi ko.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon