Finding Nemo--'s Sperm: Epilogue.

8.6K 334 167
                                    

Finding Nemo-'s Sperm.

Epilogue.



"HAPPY BIRTHDAY NARUTO!" sabay-sabay na sabi ng mga bata at tinulungan ko naman na iblow ang candles sa cake ni Naruto.


Ngayon kasi ang third birthday ni Naruto. Noong binyag at first birthday kasi nito ay hindi pumayag ang mga in-laws ko na simple lang kaya naging engrande din. Noong second at ngayong third naman, simpleng handaan lang at pribado ang ginawa namin. Tanging mga malalapit lang talaga ang mga pumunta.


"Happy birthday sa aming Naruto Pogi!" masayang bati ni Nemo kay Naruto at kinarga ito tapos ay hinalikan sa pisngi. Sunod naman ay yumuko ito at hinalikan ako sa labi.


"Happy birthday aming inaanak!" sabay-sabay na bati nina Orlan, Dunk, Kaleb, Nev, Eoin at Erskin. Sila ang ilan sa mga ninong ni Naruto. Kinuha ko naman na ninang sina Gracci, Agnes, Ella at Vera pati na din si Liza at Girlie. 


"Ang galing din ni Neo oh. Hindi kinuha ang lahat na ninong sa Il Paradiso." -Nev.


"Paano daw para sa susunod na anak ay may nakafollow up na!" -Dunk.


"Hindi lang Family planning ang ginawa. Ninong Planning din eh!" -Kaleb.


At nagtawanan kami. Masayang-masaya ako. Tatlong buwan matapos magpropose si Nemo ay kinasal din kami. At dahil kilalang tao si Nemo... naging engrande ang kasal namin. Karamihan mga miyembro ng Il Paradiso ang kasama. Nagdecide ako na maging full time mommy muna habang maliit pa si Naruto. Sabi ni Nemo ay siya na daw ang bahala sa trabaho kung gusto kong magwork ulit pag nasa school na ang bata. Nagkwentuhan kami. Tawanan. Kainan. Simple man pero mas masarap sa pakiramdam. 


Kumuha naman ako ng maiinom at naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likod. Hindi ko na kailangan pag lumingon dahil kilalang-kilala ko naman kung sino.


"Okay ka lang ba? Masama pa ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito. Umiling naman ako.


"Okay na ako. Nasaan si Naruto?" tanong ko.


"Nasa mga magulang natin. Kalaro si Lukas." sabi nito. Nanatiling nasa ganitong posiyon kami.


"Dory... I'm so happy!" sabi ni Nemo habang nakayakap sa likod ko. Napangiti naman ako. Ganun din naman kasi ang nararamdaman ko.


Pinalibot ko ang mga braso ko sa mga braso nito na nakayakap sa akin.


"Me too, Nemo. Me too."


"Ito pala ang feeling ng may pamilya. Ang saya lang."


"At mas sasaya ka pa sa sasabihin ko." nakangiting sabi ko. Humarap naman ito sa akin.


"Talaga? Ano naman yun?" excited na tanong nito at ngumiti lang ako dito. Hinwakan ko naman ito at hinatak palapit sa lahat.


Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon