Dedicated to: mikkieugenio
Frieeennnddddd! Super duper thank you sa pag-edit sa gawa ko. Kahit teampuyat ka at pagod ka talagang in-edit mo yung Beyond the Boundary ko. Talagang--- arghh. Di ko talaga maexplain. Tears of joy talaga. Super thank you ulit mikki! Ingats ka palagi at wag pabayaan ang sarili, okay?
-M
--------------------------/ /-----------------------
% Dory's POV
Nakaidlip pala ako. Hindi ko na napansin. Normal naman daw sa buntis ang maging antukin. Dinilat ko ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang paningin ko. Inaaninag ko kung sino ang nasa tapat ko. Pero isang tao lang naman ang kasama ko.
"Nemo?" inaantok ko pang sabi. Agad na lumayo ito sa akin.
"Uhmm... yeah. M-muntik n-na k-kasing mahulog yung ulo mo. S-s-sinalo ko lang." nakaiwas ang tingin na sabi nito.
"Okay. Pero kailangan nauutal ka?" nakakunot noong tanong ko. Nakita ko naman ang pamumula nito.
"Ahh... natetense lang. Hehehe."
Napipilitang tango ko dito. "Okay. Sabi mo eh." Inayos ko naman ang upo ko. Naghikab pa ako. Parang medyo bitin pa ang tulog ko.
"Kanina pa ba ako tulog?"
"Actually hindi ko alam. Medyo nag-enjoy ako dun sa film. Kaya nung natapos na saka ko lang nakita na nakatulog ka na pala."
Napatango naman ako. "Sabi ko pa naman nood tayo. Kaso tinulugan ko lang."
"Okay lang yun. Walang problema sa akin. Dapat nga na matulog ka lang para nakakapagpahinga kayo ni baby." nakayukong sabi pa din ni Nemo. Hindi ito makatingin sa akin.
Bigla naman nagring ang phone nito.
"Ahmm.. excuse lang Dory ha? Sagutin ko lang."
"Sure." at pumunta na ito sa banyo. Napakunot noo naman ako.
Ano kayang problema ni Nemo?...
------
---° Neo's POV
Agad na pumasok ako sa banyo. Sobra akong natetense. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang bilis pa din ng tibok nito. Di naman ako nakipagkarera pero pakiramdam ko naka ilang lap pa ako eh.
Simula ng inamin ko na may gusto ako kay Dory... mas nagiging aware ako sa nararamdaman at reaksyon ko...
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...