Maraming salamat sa masipag na pagcomment, Yoko! At belated happy birthday ulit...ito na lang gift ko sa'yo...mwahh!
--------------------------/ /--------------------------
---° Neo's POV
"Kain na Dory." aya ko dito ng matapos akong magluto. Naupo naman agad ito sa lamesa.
"Pasensya ka na at ito lang naluto ko."
Umiling naman ito. "No. Okay lang. Sa totoo lang, sobra akong nagpapasalamat. Ang dami mo nang naitulong sa akin. Nahihiya na nga ako sa'yo at naaabala na kita." nakayukong sabi nito.
Umupo naman ako sa may tabi nito. "Ano ka ba? Wala yun. Saka, kailangan mo ng kaibigan ngayon, kaya ako muna ang tatayo dun." nakangiti kong sabi dito. Ngumiti naman ito.
"Isa kang mabuting kaibigan, Nemo. Masaya ako at nakilala kita." sincere na sabi nito.
Napangiti naman ako dito. "Magbabago ang opinion mo pag nakilala mo talaga ako. Sira-ulo din ako." natatawa kong sabi dito.
"Okay lang. Lahat naman tayo may kasiraan ng ulo."
Tumawa lang ako. Kumain na kami ng almusal. Nang matapos kami ay nagprisinta na ito na magligpit. Umupo na lang ako sa sofa at nanood ng TV. Nang matapos ito ay tumayo na ako.
"Dory...aalis na ako. Okay ka lang bang mag-isa? Baka nahihilo ka pa." concern na tanong ko.
Umiling naman ito. "Hindi na ako nahihilo. Ganun naman talaga ang nararmdaman ko. Pero pag umaga lang naman yun at bagong gising ako."
"Sige. Sabi mo yan. Ano nga pala tanghalian mo? Nakita ko kasi na medyo walang laman ng ref mo. Baka wala ka ng stock dyan?"
"Ahh...yun ba? Meron naman ako sa mga shelves ko." sabi pa nito.
"Talaga?" paniniguro ko.
"Oo. Madami pa naman yun. Tignan mo pa."
Pumunta naman ako sa kusina at binuksan ang ibang shelves dun. Nakita ko na merong konting biscuits at chocolates. Paubos na din ang tinapay nito. Wala na halos laman ang shelf na yun.
"Paubos na mga tinapay mo dito. Maganda na bumili na para may meryenda kayo ni baby." sabi ko. Tumango lang ito. Binuksan ko naman ang isa. Nagulat ako sa nakita ko.
"Sardinas?" takang tanong ko. Puno ng sardinas ang shelf na ito. Binuksan ko ang isa pa at nagulat na naman ako. Puno din ng canned tuna! At iba ibang flavors pa! Sa dami nito, palagay ko na ito lang ang kinakain niya. Kumuha ako ng isa.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
Literatura Feminina% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...