Finding seventeen

6K 221 50
                                    

Dedicated to: Sengseng


Maraming salamat sa laging pagvote! Sana nag-eenjoy ka! (^__^)/


---------------------/ /-----------------------


% Dory's POV


Akala ko talaga sa isang simpleng beach lang kami pupunta dahil ang sabi ni Nemo ay Laguna. Isang bonggang bonggang resort o club gaya ng sabi nito pala ang pupuntahan namin. Nakanganga lang ako habang nakatingin nung dumating kami. Nung gabi pa lang kita mo na ang ganda. Lalo pala pag umaga na. Ibang-iba. Malayong malayo sa siyudad. Masasabi mong probinsya... pero isang bagay lang ang naiisip kong idescribe sa lugar na ito.



Luxury.



Naghuhumiyaw sa pagkaelegante ang lugar. Masasabi mo na isang bagay lang nito ay sobra ng mahal. Sa gate palang ng resort... alam ko ng di biro ang kailangan mong gawin at gastusin makapasok lang doon. Lalong lalo na ang club nila. Ngayon ko lag napagtanto.




Mayaman talaga si Nemo. Akala ko kasi noon joke joke lang. Hahahahaha. Seryoso na pala. Pero infairness naman kay Nemo... hindi niya kailanman pinaramdam sa akin na angat siya. Simple lang ito at marunong makisama. 




So balik tayo sa lugar. Nang lumabas kami ni Nemo mula sa bahay niya ay talagang hindi ko na namalayan na malayo pala ang nilakad namin dahil sa sobrang ganda ng paligid na nakikita ko. Hanggang sa makarating kami dito sa The Royal Tavern. 



Ang cute lang. Kasi pag sinabing tavern, yun yung mga parang cowboy style na ang upuan ay yung mga malalaking drum ng beer... o kaya yung mga stop over na resto sa US. Pero iba ito. Napakaclassy at elegant ng tavern na ito sa labas...pero sa loob... bagay nga ang salitang royal dahil sa ganda at pagiging elegante nito.


 Sa loob ay bumulaga sa amin ang isang butler style na waiter. Ang mga waitress naman ay parang sa mga maids ng isang castle. Ang interior ay nakakahanga. Sa gilid ay ang counter na pa u shape  kung saan may mga stool sa harap para sa mag-isa na gustong kumain o uminom lang. Ang mga upuan at lamesa sa gitna ay magaganda. Sa mga gilid naman ay mga sofa style na magkabaliktaran. Pero halatang mamahalin ang mga materyales sa lahat. Pula, itim, puti ang dominant colors. Sa taas namin napagdesisyunan kumain. Gusto ko din kasi makita ang view.


Nang makaakyat kami ay halos napapanganga ako. Hindi ako makapaniwala. Hindi na dapat club ang tawag dito kundi village. Kasi parang lahat ng kailangan mo ay nandito na sa loob. Bukod pa dun... berdeng berde ang paligid. I mean... puro puno talaga. Ang sarap pa ng simoy dahil alam mong sariwang sariwa. Hindi ko naman alam kung anong oorderin ko dahil sa lahat ay mukhang masarap talaga. Pero naiilang akong mag-order dahil ang pinakamura nilang meal? Wag na nating banggitin. Seryoso?  May ginto ba yan? Pero nakakatakam talaga yung sandwich nila. Mabuti na lang at pumayag si Nemo. Ang ganda talaga ng paligid. Kahit makulong ako dito ay ayos lang. Di nakakasawang pagmasdan ang lugar. Masaya kaming kumakain ni Nemo nang may biglang dumating.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon