Dedicated to: Badreminisce.
Badrem! Salamat nga pala sa vote mo dito sa BL. Sira pa din BL ko kaya nandito lang ako kay watty. Thank you ulit!
----------------------------/ /--------------------
% Dory's POV
Nakaupo ako ngayon dito sa bahay at naisipan ko na magmovie marathon na lang. Tinawagan ko si Agnes para may kasama naman ako. Tutal pinangako naman niya sa akin yun eh.
*ring* *ring*
"Hello?" medyo paos na sabi nito.
"Hello, Ag?"
"Dory." tapos umubo.
Aba himala na hindi ito tumili. Pero... umuubo ba ito?
"Agnes... may sakit ka ba?" nag-aalala kong tanong.
"Medyo." paos pa din na sabi nito. Nag-alala naman ako bigla.
"Okay ka lang? Gusto mo puntahan kita dyan?" nag-aalala kong tanong dito.
"Okay lang ako Dory. Saka wag na... baka mahawa ka pa."
"Ganun ba? May gamot ka ba? Anong sabi ni Luke?"
"Napainom na niya ako. Saka okay lang naman daw. Ubo at sipon lang naman. Pero mabuti na dito lang ako para hindi ako makahawa. Lalo na at buntis ka din. Baka mahawa ko pa kayo."
"O-oh Sige. Sabi mo eh. Tatawag pa din ako mamaya para kumustahin ka ha?"
"Okay Dory."
"Pagaling ka agad Ag." at nagpaalam na ako dito.
Tinatamad na humiga na lang ako sa sofa. Nakakalungkot. Kung kailan libre ako saka naman may sakit si Agnes. Hinimas ko ang tiyan ko.
"Baby... don't worry. Aalagaan kong maigi ang sarili ko para hindi tayo magkasakit." kausap ko dito. "Hmmm... ilang buwan pa lalabas ka na. Magkasama na lang tayong magmomovie marathon, ha?"
Anong gagawin ko? Kakakain lang namin. Busog pa ako. Pero gusto ko talagang manood eh... ano kayang mapanood ko?
Hmmmm???
*ting*
"Alam ko na."
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...