% Dory's POV
Gulong-gulo na ako. Ayaw kong ipilit ang sarili ko sa alam ko na lalong magpapagulo sa akin.
Oo mahal ako ni Nemo. At alam ko na ganun din naman ako.
Pero hindi ko pa din pwedeng isantabi na anak ang gusto nito. At yun din lang ang gusto ko.
Malinaw na sinabi nito na ayaw nito ng commitment. At yun din ang sinabi ko sa simula pa lang.
Nakakalito. Ang labo. Ang gulo.
Kaya napagdesiyunan ko na pumunta kay Agnes. Kasi alam ko... na kahit anong gulo ng takbo ng utak ko... ito at ito talaga ang makakaintindi sa akin.
Nagdoorbell ako at ilang saglit lang ay pinagbuksan na ako nito.
"Wow Dory! Napadalaw ka. Kasama mo ba si Naruto." Umiling naman ako.
"Ako lang. Pwede ba tayong mag-usap?"
"Bakit Dory? Ano bang ginagawa natin? Nagbubugahan ba tayo ng apoy?"
"Eh kung unahin ko kayang paapuyin yang bibig mo. Pwede ba?" naiirita na sikmat ko dito. Tumawa lang ito at nilakihan ang bukas ng pinto. Inismiran ko naman ito bago pumasok. Sa may gazebo naman kami tumuloy.
"Manang... pwede pakidala po kami ng snacks and juice please?" sabi nito.
"Yes Maam Agnes." magalang na sabi ng kasambahay at umalis na ito. Ilang saglit lang ay bumalik na ito dala-dala ang isang tray na may slice ng cake at dalawang baso ng pineapple juice.
"Thank you." sabay pa namin sabi ni Agnes at magalang na umalis ito.
Kinuha naman agad ni Agnes ang platito na may cake at kinain iyon.
"Mukhang di pa tayo nag-aalmusal ha?" komento ko.
"Naku sinabi mo pa. Kagigising ko lang. Tulog pa yung mag-ama ko." sabi nito. Kinuha ko naman yung juice at uminom din.
"So?"
"So? Anong so?"
"Bakit ka napadaan dito? Hulaan ko."
"Ano?"
"Si Neo noh?" pagkasabi nito ay agad na nasamid ako. "Ang galing ko noh? Smart talaga ako."
"Mas smart ka sana kung inabutan mo ako agad ng pamunas o kaya hinagod ang likod ko, di ba?!" aski ko dito ng makabawi ako.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
Literatura Feminina% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...