Dedicated to: LokangPeeeps
Maraming thank you sa floodlikes mo dito! (^__^)v
-M
----------/ /---------
% Dory's POV
Masaya kong isinasayaw sayaw si Naruto. Kami lang ang naiwan sa bahay dahil lumabas ang iba. Dahil ako nga sa gabi, sila na ang nagbantay sa umaga. Matiyaga talaga na pinapaarawan ni Tatay si Naruto para daw matibay ang buto. Pero namalengke sina Tatay at Nanay at naghahanap naman ng trabaho na si Gracci dahil graduating na din.
"Naruto pogi! Naruto pogi!" masayang tawag ko dito habang sinasayaw ito. Nang makarinig naman ako ng doorbell ay agad kong binuksan ang pinto. Akala ko kasi isa na sa kanila ang nagpunta kaya nagulat ako sa nakita ko.
"Nemo..." at natulala ako dito. Ngayon ko lang kasi nakita ito.
"Uhhm. Dory." at ngumiti ito.
"Ahh. Sorry. Pasok." at niluwagan ko ang bukas ng pinto.
"Salamat. May mga pasalubong pala ako para sa inyo. Nasaan sila?" tanong nito.
"Sana hindi ka na nag-abala." sabi ko. Umiling naman ito.
"Wala sa akin yun."
Nabalot naman kami ng katahimikan.
"Uhmm... Dory." tumingin naman ako dito.
"Bakit?"
"P-pwede ko bang makarga si Naruto?" nag-aalangan pa na tanong nito. Natawa naman ako.
"Oo naman. Ikaw pa." natatawang sabi ko. Maingat na inabot ko dito at maingat naman nitong kinarga si Naruto. Nang makarga nito si Naruto ay nakita ko na kumislap ang mga mata nito. Ngumiti din ito.
"Sige. Bantayan mo na muna ha? Liligo lang ako." sabi ko. Tumingin naman sa akin ito at tumango. Pumunta naman ako sa kwarto at kumuha ng damit. Paglabas ko ay parang naiiyak pa si Nemo habang hawak si Naruto. Napangiti lang ako.
Ninong na ninong talaga.
Nagtungo na ako sa banyo para maligo.
--------
---° Neo's POV
Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak ng hawak ko na si Naruto sa mga braso ko. Kung may isang bagay man ako na hindi ko pagsasawaan at mapapagod na gawin, yun ang kargahin at pagmasdan ang anak ko.
Anak ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na sabihin yun.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...