Finding seven

7.2K 290 115
                                    

Maraming salamat sa dedic sa glassed hand, Ai ;)


--------------------------/ /-------------------------


---° Neo's POV


"Tulong! Emergency!" agad na sigaw ko pagkapasok ko sa ospital buhat-buhat yung babaeng nabangga ko kanina.


May isang nurse naman na agad lumapit sa akin at may dalang stretcher. Agad namin inilapag ang babae at dinala sa emergency room. Lalapitan ko pa sana pero pinigilan ako ng isang nurse.


"Sir bawal na po." sabi lang nito sa akin.


Ayaw ko pa sanang makinig pero nakita ko na may isang doctor na agad sumuri dito. Nanatali ako sa may labas. Palakad-lakad ako. Di mapakali.



Hala nabangga ko ba? Pero kailan? Ganun kabilis ba? Paano kung oo? Maingat naman akong nagdrive at nagpark di ba? Sobrang puyat ko na ba at di ko napansin?




Patuloy lang ako sa paglalakad. Maya-maya lang ay may doctor na lumapit sa akin.


"Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong nito.


Agad na nilapitan ko ito. "Doc, kumusta ho siya? Ayos lang ho ba? Ano po parte yung nabangga ko? Malubha po ba?" alalang tanong ko.


"Okay naman ang pasyente. Hinimatay lang siya. Fatigue at stress lang. Saka madali siyang mapagod dala na din ng dinadala niya. Naitransfer na siya sa isang room. Pwede mo na siyang puntahan doon. Magchecheck lang kami mamaya for sure. Kung okay naman siya, pwede na rin siyang iuwi." sabi lang nito.


Nakahinga naman ako ng maluwag. "Dinadala?" takang tanong ko.


"Oo. She's ten weeks pregnant." imporma nito. Napanganga ako.


Muntik na akong makabangga ng buntis!


"Thank you po Doc." pasasalamat ko at kinamayan ito. Pumunta ako sa information desk at tinanong ang room nito. Agad naman akong pumunta. Pagkapasok ko ay nakita ko itong nakahiga at natutulog.


Nilapitan ko ito. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko na ayos naman ito. Uupo na sana ako sa upuan na malapit sa kama nito ng mapansin ko na nagkakamalay na ito.


Nakita ko na medyo umuungo ito. Lumapit pa ako para marinig ang sinasabi nito.


"K-k-kwek." ungol nito.



Ha? Queck? Lumapit pa ako para makasiguro.



"Kwek." mahinang sabi nito.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon