Salamats sa flood votes mhai ;)
-----------------/ /--------------------
% Dory's POV
Matapos kong mapapayag sina Luke at Agnes, tinulungan na din nila ako. Dumaan muna ako sa madaming test para malaman kung maayos ang katawan ko. Inalam na din nila kung capable akong magbuntis. Nang malaman namin na healthy ako, sila ang nagset ng mga kailangan ko. Tulad ng kung kailan ang tamang araw para sa period. Mga dapat gawin. Mga kailangan ko. Sila na ang bahala sa lahat. Napakasupportive talaga ng mag-asawang ito.
Ilang araw ang lumipas. Ngayon ay pwede na. Pumunta ako kung saan ang hospital na pinapasukan nina Agnes. At dahil doktor at isa sa board member si Luke, napapasok namin ang ibang departmet na walang kahirap-hirap.
Pumunta kami sa isang kwarto kung saan nakalagay ang mga sperm sample.
"Dory, sigurado ka na ba talaga dyan sa plano mo? Pwede ka pang umurong. Maraming doktor dito na ipwede kong ipakilala sa'yo. Mababait naman sila. At nakasisiguro ako na magiging mabuti din silang ama." sabi ni Luke.
Tinignan ko ng masama ito. "Siguradong sigurado na ako Luke. Wala akong pakialam sa kanila. Ayaw ko ng boyfriend o asawa. Anak ang gusto ko."
Napakamot ito sa batok. "Alam ko naman yun. Ang sa akin lang,baka mahirapan ka. Hindi biro ang magpalaki ng bata ng mag-isa." concern na sabi nito.
Bumuntong hinga ako. Hinawakan ko ito sa magkabilang braso. "Luke, kaya ko, okay? Alam ko na hindi biro yun, pero gusto ko ito. Kaya paninindigan ko ito. Wag kang mag-alala. Magiging mabuti akong nanay." mahinahon na sabi ko dito. Tumingin lang ito sa akin. Maya-maya pa ay bumuntong hininga ito.
"Sige. Mukhang di na rin kita mapipigilan. Pero wag kang mag-alala. Aalalayan ka namin ni Agnes." nakangiting sabi nito. Ngumiti din ako dito.
"Salamat Luke. Buti na lang at ikaw ang napangasawa ni Agnes. Ang swerte niya. Wala man akong swerte sa love, swerte naman ako sa kaibigan." sincere na sabi ko dito. Ngumiti naman ito.
"Oh sige. Tama na ang drama. Iiwan muna kita dito. Mamili ka na dyan sa mga nakikita mo." nagpasalamat ulit ako dito. Tumingin ako sa mga nasa container na naglalaman ng sandamakmak na sample. Pero hindi ko feel. Parang...
Hindi siya ang the one...
Ang future baby ko...
Kaya napagdesisyunan ko na lumabas. Naglakad lakad ako. Maya-maya ay napansin kong malapit na ako sa may reception. May isang lalaki ang nandoon.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
ChickLit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...