Finding twenty five

5.6K 174 66
                                    

Dedicated to: MoonLightPurple

Hello Ms.moonlight! I remember one time na nag-ask ako kung pwede ako magdedic and sabi mo of course naman (^__^). Fan talaga ako ng The Accidental Bride at TBPQ. Pati na din ng My Bossy Lady. Good Luck and More powers sa'yo! GodBless you (^__^)v

Guys... try niyong basahin yung The Accidental Bride! Maganda yun. Promise!

-M

-----------/ /-----------

---° Neo's POV


Ngiting-ngiti ako habang tinitignan ang bago kong wallpaper. Wala eh. Ang sarap mangarap na sana totoo siya. Na sana nga pamilya kami.


"Naks naman Sir Neo... pumapag-ibig tayo, ha?" biglang sabi ni Liza Sadiba, secretary ko. Kaibigan na din ang turing ko dito.


"H-hindi h-ha." sabi ko. Mahina naman na napatawa ito.


"Deny pa Sir. Eh halatang-halata ka naman. Nakita mo nga katabi mo na ako, hindi mo man lang ako napansin. Nakita ko tuloy yang tinitignan mo. Girlfriend mo ba yung babae, Sir Neo? Ang pretty niya." nang-aasar pa na sabi nito. Iningusan ko lang ito.


"How I wish." mahina kong sabi na narinig pala nito.


"Oh yun naman pala. Pormahan na yan."


"Naku... ilang luto na nga ginawa ko. Pero mukhang sa luto ko nagkagusto at hindi sa akin." nakangusong sabi ko.


"Eh di inamin mo na din na pumapag-ibig ka nga. Deny ka pa kanina." nakangising sabi ni Liza. 


"Tsk."


"Bakit ba Sir? Mukhang bagay pa naman kayo."


"Hindi kami mukhang bagay."


"Ano?"


"Dahil bagay talaga kami! Yeah!" at ang lakas ng tawa namin. Naghigh five pa kami. Ganito kaming dalawa. Kahit sabihin mo na secretary ko siya, nag-uusap kami na parang normal lang. Saka nakakapagsabi ako ng mga bagay sa kanya at hindi nito ipinagkakalat yun.


"Kulang pa ba ang niluluto mo para kay... anong pangalan niya?"


"Dory."


"Oh kay Dory. Bakit hindi mo idaan sa ibang bagay? Manood kayo ng sine... date sa labas. Mga ganun." suggestion nito. Napatingin naman ako dito. Nag-isip.


"Why not?"


"Ipasyal mo siya sa may lugar na pwedeng dalhin ang baby niya. Para pag lumabas na si baby, at inaya mo sila dun. Agad na oo yun." suggestion pa nito.


"Alam mo Liza..."


"Ano Sir Neo?"

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon