Finding thirty four

4.9K 154 31
                                    

Dedicated to: pople-

Ang ganda talaga ng Dee One mo. Wala akong masabi. Ayy meron pala... Salamat ng madami sa support, comments at votes mo dito. Pasensya na late sa bookclub at medyo naging busy. Basta maraming salamat talaga! Masaya ako na naging partners tayo at nagexchange ng books tayo! (^__^)v

-M

PS. Mga brad, basahin niyo din ang Dee One. Maganda yun promise! (^__^)/

-----------/ /---------

% Dory's POV


"A-ang s-sakit lang kasi. Kasi nangako siya. Tapos nagsikap talaga ko. Nangarap ako na magiging kami talaga. Umasa ako na ako yung gusto niya talagang makasama hanggang pagtanda... yun pala hindi. Hindi pala ako. Sana kung hindi lang niya kayang tuparin... sana hindi na lang siya nagsabi. Hindi niya ako pinaasa at sinaktan. At lalong hindi niya ako trinaydor. At dun pa sa kaibigan namin!" umiiyak kong sabi. Masakit kasi. 


Normal lang din naman akong tao noon. Nagmahal. Nangarap. Pero nasaktan. Sa paraan na hindi ko akalain at sa taong hindi ko pa akalain.


"Kinompronta namin sila. Noong nagOJT pa pala kami sila nagkakamabutihan. Kaya pala lagi silang huli. Kaya pala hindi masasabi sa amin noon ni Higad kung sino... siya na pala." nanghihinakit kong sabi.


"Dory..." sabi ni Nemo at hinahagod yung likod ko.


"Nangarap ako. Nangarap ako na ako yung nakaupo dun sa lamesang yun. Ako yung mapapaiyak ng lumuhod siya at buksan ang isang kahon na may singsing. Nangarap ako na ako yung naluluhang oo kasi masayang-masaya ako na inalok niya ako ng kasal. Pero hindi ko akalain... may pumalit na pala sa akin. At pinakamasakit dun ay nasaksihan kong lahat yung pangarap ko na naagaw na pala ng iba."


"Dory, tahan ka na. Makakasama sa kalagayan mo." nag-aalalang sabi ni Nemo. Niyakap naman ako nito. Yumakap na lang din ako at umiyak.


"Tapos pagkatapos ang lahat... nagbabalik siya. Tapos papamukha pa niya sa akin lahat ng sinabi ko. Gago talaga." 


"Don't mind him, Dory. I'm here. I'll protect you both from him. I won't leave the two of you." tumingin naman ako kay Nemo.


"T-talaga?" tanong ko at suminghot pa. Tumango naman ito. Masuyong sinuklay nito ang buhok ko at hinaplos ang pisngi ko.


"Promise. I'll stay." he told me sincerely. Kita ko ang sinseridad sa mga mata nito. Masuyo din nitong tinutuyo ang mga luha sa pisngi ko. Nakatingin lang ako kay Nemo. Me... here in Nemo's arms makes me feel...





secured. Cared. Cherish. Treasured.



Para kasing kahit ano pa ang mangyari... di dapat ako matakot o mag-alala. Kasi alam ko... safe ako. Safe ako kasi ito ang kasama ko. Hindi ako dapat mag-alala dahil alam ko na sasamahan ako nito at hindi ako iiwan. Hindi ako nito sasaktan. Na aalagaan at proprotektahan ako nito sa kahit ano o kahit sino.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon