Finding six

7.4K 203 43
                                    

Maraming salamats sa super support at flood votes pre ;)


------------------------/ /---------------------


---° Neo's POV


"Paanong napasama yun Pare? Iba na nga lalagyan nun eh! Personalize pa yun!" himutok ko habang umiinom kami. As usual, nakatambay kami dito sa bar ni Kaleb. Dito na kami nagdesisyon na magkita at mag-usap.


"Nilagay ko saglit dun sa room para sa temperature na kailangan. Eh kaso may nurse na tumawag sa akin at kailangan ako. Pumunta ako. Pagkabalik ko, nalaman ko na lang na kinuha na pala yung mga sample na nandoon at dineliver na." paliwanag ni Eoin. Napasabunot naman ako.


"Paano na yan? Malalaman ba natin kung saan?" tanong ko pa.


Bumuntong hininga ito. "Mahirap Pare, one box per hospital. Three boxes ang overseas."


"O ilan ba lahat?" -Nev.


"Fifty boxes yun." -Eoin.


Napanganga ako. "You mean, forty seven hospitals ang pinagdalhan nun?"


Tumango ito. "Oo. At divided yun sa buong Pinas." at bumuntong hininga pa si Eoin. Lumagok pa ito ng rhum nito.


Nahilot ko ang noo ko at napahilamos ko ang mukha ko gamit ang kaliwang kamay ko.


"Ganun kadami? Hindi ba pwedeng ipacheck mo na lang?"


"Pwede."


"I heard a but." -Erskin.


"Lahat ng napadalhan ay mga nagrequest for a sample. Meaning, nakuha na din agad. At given the time, one month na ang nakalipas." -Eoin.


"So you mean..." -Dunk.


"Maaring isa na sa kanila ang may dala-dala ng anak mo." -Eoin. Nanghihinang napadulas ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa.




Noooooooooooooooooooooooo...




"Paano malalaman kung sino sa kanila?"


"Kailangan kunin ang records na meron sa hospital na pinagdalhan. Alam mo naman sa hospital ko, mahigpit kami bago kumuha doon. Bago kami magtanggap ng sample, dumadaan sa test yung donor. Pag okay naman siya, saka namin kukunin yung sample. Tapos yung details naman ng pamilya na pagtatanggapan ay meron din kami. Kaya pwede natin gamitin yun para hanapin yung sample mo." paliwanag pa ni Eoin. Napaayos ako ng upo.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon