Maraming salamats sa votes Liza ;)
------------------------/ /-----------------------
---° Neo's POV
"Cheers!" sabay-sabay naming sabi at nilagok ang scoth na inumin namin. Ngayon ang celebration party namin para sa isang successful project ng Parsime Corp. Nandito kami ngayon sa Il Paradiso. Isang club para sa mga lalaki. Tanging mga mayayaman ang kayang magafford ng membership dito.
"Congrats Pare. Ang laking project nun ha. And that one is worth millions of dollars." sabi ni Dunk. Dunkan Ethelred. Isang basketball player at three consecutive MVP. Player na din ito sa NBA. Kaibigan at kamiyembro ko sa club.
Tumango lang ako. Sabay cheers sa mga ito. Syempre naman successful yun...Ako ata si Neo Morgan Parsime. Current CEO ng Parsime Corp. Isa din akong architect at isang malaking project sa US ang ginawa ng company ko.
"Aba Pare, pwede ka ng mag-asawa niyan." biro ni Nev. Nevada Vairaja. May-ari ng chain of Casino sa US. Lalo na sa Las Vegas.
Mahina ko itong sinuntok sa braso. "As if. Hey! I'm young. Just twenty seven years old and have all the rights to enjoy life. Especially women." at ngumisi sa mga ito. Tumawa naman ito.
"Sino naman ang magiging tagapagmana ng lahat ng niyan kung hindi ka mag-aasawa? Saka di ba kinukulit ka na din ng parents mo na magpakasal na? Para daw magkaapo na sila." tanong ni Dunk.
Umiling ako. "Please don't remind me of that. I'll do what I want and I'll get married when I want."
Dumating naman ang isa pa naming kaibigan. "Pare, congrats. Mag-aasawa na yan." bungad pa ni Eoin. Eoin Josiah Carrington. Isang neurologist.
Sinimangutan ko na lang ang mga ito. "Puro kayo mag-asawa! Di mauna kayo!" singhal ko sa mga ito. Tumawa lang ang mga kumag.
"Sabi ko nga mag-inuman na lang tayo. Cheers!" Si Eoin at kumuha din ng scotch niya. Nagcheers kami at sabay sabay na nilagok ang scotch.
Nakakarindi na. Puro na lang mag-asawa na! Idadaan ko na lang sa inom to.
>>>>
"Hello anak! Kumusta naman? Congratulations iho at successful ang project mo!" bati agad sa akin ng nanay ko pagkapasok ko sa mansyon namin.
BINABASA MO ANG
Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)
Chick-Lit% DORY. Simula ng magbreak sila ng walanghiya niyang jowa ay nangako siya sa sarili na hinding hindi na siya ulit iibig pa. Pero lumipas ang mga taon. Sa sobrang abala niya sa trabaho ay saka lamang niya namalayan na malapit na siyang di mapabilang...